Ninais kong isama ang pari sa aming grupo dahil
kaya niya naman sigurong icounsel ang namamaril-ng-taong armado yata iyon. Napakapraktikal
kasi na bagay ng isang armas sa panahon ng ganitong uri ng spesipikong
apokaliptikong sakuna. E kailangan mong pumatay ng zombie, makahanap ng
tutuluyan at pagkain, kailangan natin ng baril, nasa isip ko. Hindi rin nawala
sa akin ang pagkakaroon ng physician na maaari nang umaktong first aid o medic
sa aming grupong nilimitahan lamang ng panuto ang bilang. Kailangan ding
magparami dahil katapusan na nga naman ng mundo kung kaya’t nagsama na ako ng
isa pang babae. Nasubukan dito ang aking pasensya at kaunti na ring kakayahang
magdesisyon kung pag-uusapan din lang ay buhay at paniguradong kamatayan. Nagmumukhang
pambata ang ginamit na konsepto ng guro para sa amin dahil kung iisipin, tipong
pangyarihang palabas lamang o video game ang sasapitan ng ganitong sakuna, ngunit
pinili ko pa ring magpakaseryoso dahil wala namang mawawala sa akin at
siyempre, patuloy na bulong sa akin ni isa pang Mart na, “E paano nga kung
magkatotoo?” Mahirap magdesisyon ng ganitong mga plano lalu’t lalo pang iniisip
mong ipotetikal at hindi ka naman aanhin ng konsensya. Ngunit nang aking inisip
na mangyari talaga sa aking itapon ang lahat ng responsibilidad sa ganoong
sitwasyon at mag-isip para sa lahat, hindi ko pa rin maiiwasan sigurong isama
ang lahat, kahit magsisikan kami sa bodega. Malakas siguro yung sipa sa akin ng
konsensya sa ganoong mga pagkakataon at hindi ko ipinagkakaila ang lahat ng
kakayahan at maaari pang kakayahan ng maraming tao, maging ang kakayahan nilang
baguhin ang kanilang mga sarili. Mahirap na rin siguro yung madali akong
magtiwala sa napakaraming tao ngunit okay din namang nagbibigay ng pagkakataon.
Huwag lang nila akong ubusan ng pagkain.
No comments:
Post a Comment