Para sa akin, ang pagiging isang pinuno’y isang
napakamakapangyarihang posisyo’t walang makapagsasabi sa’yo kung ano ang dapat
mong gawin. Malakas ka nga’t matibay dapat ngunit hindi pa rin dapat
binabalewala ang mga taong nagluklok sa iyo sa iyong kasalukuyang posisyon.
Lagi kong tinatandaang wala naman yung pinuno riyan kundi lang din dahil sa mga
taong bumoto para sa kanya. Sa katunayan, ang pinuno lang din naman talaga ang
nagsisilbi, naglilingkod sa kanyang mga kinauukulan. Siya pa rin dapat yung
pinakapagod, pinakamaraming inisip, ginawa, at ibinigay. Marunong makisama sa
lahat at walang pinagpipilian kung nahihirapang magdesisyon. May sariling
opinyon ngunit pinakikinggan pa rin ang opinyon ng iba. Ang pinuno ay hindi
sumusuko dahil sa kanya lang din madalas kumukuha ng lakas ang kanyang mga
pinag-uukulan. Kinakaya niya ang bawat problemang kinakailangang tahakin, kahit
na maaaring imposible, ngunit nagbibigay ng karampatang pansin at susubukan pa
ring magbigay solusyon. Ang pinuno ay hindi nakakatakot ngunit nirerespeto.
Hindi siya namimilit at nasa punto ang kanyang mga utos. Ang pinuno ay matalino.
Ang pinuno ay inspirasyon sa kanyang mga tao. Ang pinuno ay isang huwaran. Kung
may pipiliin lang din naman akong role model, siguro’y yung pinakamagagaling na
direktor na lamang ng pinakamagagandang pelikula. Maaaring sila lang din ang
nagsulat ng kani-kanyang naratibo ngunit marami pa rin, actually lahat, ay
kailangan nilang tutukan. Napakahirap na bagay iyon para sa akin, mga bagay, at
isang napakalaking kaganapan iyon sa kanilang mga sarili kung mabuo man nila
ang kanilang mga obra. Malilinang ko siguro ang ganitong mga kakayahan kung
magsisimula ako sa aking sarili, sa aking sariling kinakailangan din ng matibay
na pinuno. Kailangan ko munang pamunuan ang bawat gawain ko, para naman kapag
sinubukan ko nang mamuno sa iba, hindi na ako ganoong mahihirapan.
No comments:
Post a Comment