Intro –
Sana basahin pa rin ito ng gustong bumasa
nito kahit na makita niyang pagkahaba-haba. Sinikap kong maging makabuluhan ang
aking pagkilala sa aking sarili dahil laking pasasalamat ko pa rin sa
asignaturang ito lalung-lalo na sa aming guro at nabigyang-panahong muli si
Mart na kausapin ang kanyang sarili. Sana, pagsumikapan din ng mga taong
kilalanin siya, kahit na mukha siyang sira at boring. Naalala ko, one time,
during EDCO 101 class, tinamad akong makinig sa reporter (no offense) kasi
kinakausap niya na lang yung hand-out niya. Ihand-out niya naman. HAND. OUT.
Pero ayun na nga, sinubukan ko na lang ding magsulat kaysa masuka yung utak ko
sa pagkaantok. Sumulat ako tungkol sa isa kong kaklase sa 101, sa loob ng
klase, habang minamasdan siya. (Nabasa niya rin iyon kamakailan lang pero keri
lang.) Madalas akong ganoon. Sobrang busy sa pagkilala sa mundo, sa mga tao sa
mundo, at walang panahon para sa sarili. Ang portfolio na ito ang nagsilbing
muling pagbabalik ko kay Mart, dahil namiss ko rin namang lihaman ang aking
sarili. Enjoy. Naks! Joke lang.
PS: Hindi sunud-sunod pero pinilit kumpletuhin.
No comments:
Post a Comment