Medyo naging
mahirap ang gawaing naiatas na ito para sa amin dahil unang-una, baka hindi ko
na maalala kung papaano nga ba akong mag-isip noong nasa ikalawang baitang pa
lamang ako. Pero hindi rin naman nawala sa isip kong iba-iba rin naman ang
antas ng paglinang ang pag-iisip ang bawat mag-aaral. Kahit nagkaganoon, minabuti
na lamang naming kausapin ang nambubully sa kaibigan naming napakatalino’t yayain
siyang mag-aral kasama kami. Kung bubullyhin din lamang niya yung kaklase niya
dahil hindi siya makapasagot sa klase, e ‘di mag-aral na lang din siya nang
maayos. O kung nakita lang din siya ng aming guro na nagtaas ng kamay kahit
hindi tinawag, bakit kailangan niya pang mambully? Dahil wala sa kanya ang
atensyon? Dahil nasa iisa na lamang ang atensyon ng mga guro? Dahil ba sa
nakaaamoy na siya ng favoritism kung kaya’t sinapawan na ng inggit at galit ang
kanyang puso na nagtulak sa kanya para hindi na rumespeto sa iba’t manggulo na
lang? Tinamad na akong ilagay ang aking sarili sa taong binubully at para maiba
naman, sinubukan kong isuot ang sapatos ng bully kahit mahirap ipagkasya. Ang
naibigay naman sa halimbawa e hindi iyong tipong powertripper lang at
humahalakhak sa tuwing nambubully bagkus isa din lamang kapwa mag-aaral na
gusto lang ding makakuha ng mataas na grado. Kung kaya’t, kapag hindi pa siya
pumayag sa aming study group session, isusumbong na lang namin siya sa guidance
counselor.
No comments:
Post a Comment