Bilang isang miyembro
ng grupo, sinubukan ko ring ilahad ang aking mga opinyon para naman, sa totoo
lang, huwag magmukhang walang kuwenta sa kanila. Kinikilala ko ang mga ideyang
mas magagaling kaysa sa akin at minsan pa’y namamangha pa ako. Hindi ako yung
tipong nagagalit kapag hindi napili yung akin bagkus natutuwa pa para sa
pangkalahatang kalalabasan ng aming mga plano. Sa pagtulong naman sa aking mga
kaibigan, handa akong makinig sa kahit anong nais nilang sabihin sa akin. Hindi
ako natatakot sa mga wirdong tao’t para nga pala sa akin e, wala naman talagang
weird na tao. Magiging weird ka lang siguro para sa akin kung ikaw lang sa
buong universe ang ganoon. Pero hindi. Hangga’t maaari’y naniniwala nga kong
unique ang bawat isa ngunit bawat isa ri’y mayroong katuwang sa pag-iisip, sa
pamamalakad ng kanilang buhay. Binuhay ang maraming tao sa napakaraming kultura
ng mundo at napakaimposibleng lumikha na lamang nang sarili ang isang tao ng
sarili niyang kultura. Mayroon at mayroon pa rin siyang makakasundo, kahit na
napakaimposible pang makita niya ito. Ibig ko lang sabihin, bilang isang unique
na tao’y sa buong sakop ng lupalop ng lupaing tinitirhan ng bilyun-bilyong tao
sa mundo, mayroon ka pa ring kaparehang unique din. Masakit sa ulong tanggapin
ngunit mahirap pa ring ihiwalay ang ibang tao sa iba. Tanggap ko lahat ng tao’t
okay na ring makibagay sa kung anumang kinakain nila sa almusal o
pinakikinggang musika. Pakinggan lang din nila sana si Mart.
No comments:
Post a Comment