Sa unang bahagi, yung bahagi tungkol sa
significant other, ang pinakamataas kong nakuha sa aking pagsagot sa panibagong
papel ay Physical Touch. Hindi ako malibog I swear pero yung pinakamaliliit na
bagay, halimbawa, na hawakan ng girlfriend ko yung buhok ko e ramdam ko nang
mahal niya ako. Kahit masahe lang na walang ingay, okay na para sa akin. Okay
lang din sa aking magkatabi kami, sa track oval, sa ilalim ng liwanag ng bilog
na buwan, habang nakatitig sa mga puno’t alitaptap, at hindi kami nag-uusap.
Walang usap-usap, basta’t ramdam ko lang na katabi ko siya, nakapatong at nakayakap
sa akin, kumpleto na para sa akin iyon. Dagdag pa rito, 0 points ang nakuha ko
sa Receiving Gifts. Hindi naman sa hindi ko naaappreciate ang mga ibinibigay sa
aking mga regalo, nagreregalo rin naman ako, pero parang, para sa akin, okay,
sobrang okay lang din naman para sa akin kung wala talaga. Sa sumunod na
bahagi, Words of Affirmation naman ang nakuha ko para sa aking mga magulang.
Siguro kasi, madalas akong nasa paaralan at parati rin silang nasa opisina. Miminsan
na lang talaga, nakalulungkot talagang isipin, kaming magkita kung kaya’t kahit
walang pasalubong, basta’t may boses at pagkalingang kantsaw na akong marining,
masaya na rin ako para sa relasyon namin. Dagdag pa rito ang pagiging OFW ng
aking tatay kung kaya’t boses niya lang talagang literal ang puhunan sa
pagkakakilanlan namin sa bawat buwang nagkakalayuang hindi naman talaga
nagkakarinigan.
No comments:
Post a Comment