Anim ang nakuhaan ko ng 10 points mula sa papel
sagutang ito: Musical, Logical, Existential, Verbal, Intrapersonal, at Visual.
Una sa lahat, nakupo! Hindi ko talaga matanggap! Hindi naman ako galit at
natawa pa nga ako dahil binobola lamang ang mga papel na ito. Niloko pa akong
may musical at visual strength ako e gusto ko lang naman silang nakikita at pinakikinggan.
Totoo naman yung mga isinagot ko sa bawat tanong pero bakit sampung puntos
(pinakamataas) pa rin ang ibinigay sa akin ni papel? Siguro, kung may iba pang
mga tanong e mababa na talaga yung makuha ko o kaya’y talent test na talaga ang
usapan at hindi kumakausap na papel kundi kumakausap na tao ang sumubok sa
akin, marahil ay bumagsak pa ako hanggang sa dalawa o magpahanggang sa isang
intelligence na lang. Sa huli, masaya pa rin namang tanggaping wala akong
ganoong kapakialam sa kapaligiran at kalusugan ng muscles at bones ng aking
katawan, sa kanilang mga kakayahan, kahit na enjoy namang magbadminton at paminsan-minsang
pamumulot ng balat ng candy sa daan. Nang makita ko rin ang mga resulta’y
inisip ko na ring mag-ensayo pa para sa klasikal na paggigitara ngunit hindi ko
na minarapat pang tahakin ang pagguhit. Ni matinong puno, para sa aki’y mahirap
nang gawin.
No comments:
Post a Comment