As usual, nahirapan na naman akong gumuhit o
kung anuman. Sa huli, gumuhit ako ng isang buto sa ilalim ng lupa ngunit may
nakasibol nang mga dalawang dahon. Hindi pa rin ako buo, kumpleto, hilaw pa, at
kailangan pa ng maraming sustansya kahit pa sabihin nilang, “Uy, naks! UP!”
Kung alam lang nila. Hahaha. Mahirap mabuhay nang akala ng maraming tao sa iyo
na matalino ka. Mahirap ding magpanggap na matalino. Pero masarap
magpakakritikal sa bawat dumadaang kotse sa harap ng iyong bahay. May dahilan
pa rin kung bakit ako narito, ipinanganak sa Pilipinas, at ang UP, bilang
ehemplong nagturo sa aking huwag na munang isipin ang aking sarili pero unahing
isipin ang bayan, ang siyang patuloy na dumilig sa aking mumunting buto’t
nagpatubo ng mumunting dahon lang din ng karunungan. Aasahan ko na lamang ang
aking sariling hindi ko malilimutan ang lahat ng aking natutunan simula noong
tumapak ako sa napakamasalimuot na kalayaang ito. Malayang mag-isip ngunit
nakakukulong ang mga ideyang pumapasok. Nakakulong ang maraming tao sa kawalan
ng edukasyon at mahirap na ring sabihing kaya pa rin ng mga taong itulak ang
lahat ng mga kontra-ideolohiya nila laban sa mga nahaharing uri. Hindi na dapat
ako matakot ni mahiya at alam naman lahat ng tao, maging ni Mart, na walang
mali sa mga sinasabi ko. Dahil tanggap niya naman, ng aking sarili, na
pagkatapos kong kilalanin ang aking identidad, panahon na para baguhin ang
pagkakakilanlan sa tunay na mamamayang Pilipino.
No comments:
Post a Comment