Gumuhit ako ng bahay na makakapal ang linya.
Ibig sabihin daw noon ay may kumpiyansa sa sarili. Simple lamang ang ginawa
kong bubong para sa aking bahay, at ang ibig sabihin naman daw noon ay wala
naman akong masyadong pinapantasyang mangyayaring kakaiba sa aking buhay. May
mga inilagay naman akong bintana at pinto at dahil daw roon ay open naman ako
sa maraming bagay. Sa bahaging puno naman, heavy lines at manipis ang aking
pagkakaguhit ngunit nang basahin ko na ang interpretasyon e sumasalungat sa
kung ano ang sinasabi ng aking bahay! Maaari kaya itong senyas na may mali sa
test na ito o mayroon akong bipolar tendencies? Minsan pa rin bang hindi ko pa
rin kilala si Mart? Mahilig din ako sa maraming bagay at pupuwede ko rin naman
sabihing nagsasawa rin naman ako, at napapagod. May mga dahon naman sa aking
puno kung kaya’t, ayon pa rin kay papel test e okay na rin namang may nangyari
sa mga nais tumulong sa akin, na totoo naman. Wala naman akong mabigat na
hiningi sa mundo at willing din naman akong gawin pa ang mas mahirap na ginawa
nila para sa akin. Taong stick lang yung ginuhit ko na may hawak na saranggola
pero siyempre, sinilip ko pa rin yung pagkilala sa akin ng papel. Open arms
naman yung pagkakaguhit ko na open din naman daw ako sa mga tao, na totoo
naman. Sa bahaging bibig naman ay saradong (nakangiti naman) labi ang aking
iginuhit at sinasabi ng papel na may denial daw ako sa mga gusto ko talagang
makamit sa buhay, na sumasalungat na naman sa aking wala naman akong hininging
mabigat sa mundo. Unless gustong makipag-usap ni Universe sa akin tungkol sa
pagpapatalsik ng kalam sa loob, why not.
No comments:
Post a Comment