Anim na puntos ang nakuha ko sa gawaing ito’t sa
aking pagkakaalala’t unawa, aware naman daw ako. Okay rin naman. Tanggap ko sa
aking sarili. Tanggap ko ang aking sarili. Kilala ko ang aking sarili’t kilala
ko rin naman si Mart. Mahirap na rin kasi para sa akin yung mundo na lang
parati yung pinapansin ko’t sinusulatan ng mga walang kabuluhang liham. Kinikilatis
ko rin madalas yung sarili ko’t sa bawat silip sa ulap sa kalangitan,
kinukuwestiyon kung bakit nga ba sa Pilipinas ipinanganak si Mart at hindi sa
Japan. Marami akong tanong sa sarili ko dati, at marami rin sa mga tanong na
ito ang tungkol sa aking sarili. Hinanap ko na noon kung bakit ko nga ba
gustong magsulat o binola lang din ako ng mga guro ko noong nasa mataas na
paaralan ako’t binobola ko na lang din magpahanggang sa ngayon ang aking
sarili. Hindi na rin naman ako masyadong kinakabahan sa mga pinili kong landas
pero kinukonsulta ko pa rin talaga si Mart bago ako magsalita, magsulat, o
makipag-usap muli sa kanya. Mahirap na kasing walang malinaw na desisyon sa
buhay dahil sa hindi mo malinaw na kilala ang iyong sarili. Kinilala ko muna
nang maayos at mabuti si Mart at baka na rin kasi tamarin pa akong magsisi sa
huli. Nakaakibat para sa akin ang lahat ng aking mga desisyon kung gusto ko nga
ba ang bawat bagay na nangyayari, mangyayari, at nangyari sa kapaligiran ko. Ang
kapaligiran ko rin naman ang nagbigay pagkakakilanlan sa akin, minabuti ko na
ring pakisalamuhaan ang paligid para lang maging patas kami.
No comments:
Post a Comment