14 March 2019

Pag-ibig ang dahilan ng iyong mga puyat. Kamakailan lamang ay panay sundo na ang mga bituin sa iyo. Kapuwa mo silang mahihinang ilaw sa kadiliman ng pang-aalipin at pagpaparusa sa sarili. Gintong pagpaparaya'y hindi maatim sapagkat nananaig magpahanggang sa ngayon ay usisa ng 'di naman makabagong kalungkutan.

May iba't ibang liham nang ipinadala ngunit wala pa ring nakatatanggap ng iyong mga alok. Sadyang hindi kapansin-pansin nga ba, o tampok pa rin sa karamihan ang pinalambot nang mga tinapay. Mabangu-bango pa ring tunay ang pasikretong pagpasok ng mga kapapakulo lamang na talipuspos. Masinsinang kikilalanin ang tagpi-tagping kabuuan ng mga yaring wala namang alam kung hindi sumamba at hindi kumilala.

Walang may sunud-sunuran kung hindi sa sariling mga hilig. Pipindutin nang lubos ang mahal na putik. Unti-unting magpapaikot sa katiting na pagpapaalala. Mababakas ang kawalan ng ugong ng pulang malimit na patungan ng gulong ng kapalaran. Mismong ang kayurin ay hindi na matagpuan sa malalapot nang alinsangan ng lunang tinapak-tapakan. 

Magliliwanag muli nang latag. Matiyagang ipagpapaliban sa mga lamok ang pagbisita ng libang. Sa ilalim ng kumot ng buwan, kakaluskos ang mga dahon tungo sa takot at sindak. Malayo ka na sa kabihasnan at kasanayan. Sanayin nang panibago ang sarili sa pag-ibig na hindi mo pa nakikilala.

13 March 2019

Gago ka ba? Sa sampung beses kong pagpalo sa hangin nang malaya, iisang beses lamang kitang nakitang kumisot. Ano na naman bang problema mo? Ganti lang ng hindi maimbot na pagpapari ang sasalubong sa may kasalanan at pagpapatalo. Alam mo bang galit na galit na ang mga kumakain nang hindi kumakaway sa may-ari? Ilang beses mo bang ipaaalala sa sarili mo? Baka naman nagtatanga-tangahan na lang tayo rito? 

Makailang ulit nang magsasambit ng pag-urong sa malayong hagikhikan. Kukutitap ang kasiyahan kasabay ng pag-ugong ng gabi. Marami pa rin ang nakikipag-unahan sa pantasya ng alamid at tamis ng titig. Huwag na huwag mong hahayaan ang iyong sarili na magpadalus-dalos sa yakap ng kulubot. Alalahanin na lamang na sa iyong paglingon ay nariyan at hindi mawawala ang mga makabuluhang ingay ng pakikipaglaban para sa mga karapatang kaunti na lamang at sasayad na.

Gitna ng mundo ang suliraning kay tagal nang ipinaaamin. Malawak pa rin ang sakop ng mga usok na pinakawalan ng magkabilang ngiti ng pagod. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang mga liwanag na sinadya yatang magpundi nang umangat-angat naman ang iyong pagkakasiya sa akin. Maya't maya ang pagtatanong sa langit, maya't mayang magpipigil ng luha. Ang lahat ng pinagkakamala'y ipinalulusot hanggang sa mayakap muli ang kulubot. Ano na naman ba itong nangyayari?

12 March 2019

Amoy French toast na malapit nang masunog. Hahapit na naman sa akin ang paglanghap sa kakaibang turing. Paglaanan mo naman ako ng ibang sakyang may ibig sabihin. Karma ang pag-usog ng mapanlinlang na pagmamaliit. Nag-iisa na lamang muli ang malungkutin, at isa-isa na naman siyang pinagkakaisahan. Sa gilid ng matapobreng imbakan ng salimuot at alingasaw, wala pa ring natututong makinig.

Saka na lamang ang iba, punyagi ang pagpapakamatay sa kulimlim at ginaw. Maglalakad akong mag-isa, sa aspaltong kaluluha lamang muli ng langit. May pagkindat ng kislap sa may kalayuan. Sumisimoy ang mga nagyayakapang molave at akasya. Saka na lamang kita aalalahanin. Malamig pa rin sa gilid ng aking mga pisngi ang pag-alalang nag-iisa na naman ako. Mahimbing ang mga sumunod pang pagkilala sa pulu-pulong hamog at alitaptap.

Hindi ko mapipigilan ang aking ngiti.

Sa akin ka lamang, pakiusap. Dito ka lamang sa aking tabi, at sa gabi'y ikaw pa rin ang iisipin bago ang magpakatiwasay sa panaginip. Aanhin ko ang itinimpla kong kape? Ay, kung nariyan ka lamang pala. Mapagpala ang umaga, sa halip na pagmamadaling ikikibit sa aking mga unan. Hihimasin kong may libog at lamig. Dudulas ang aking pagsinop sa kabi-kabilang pag-aalala. Naguguluhan na ako sa aking mga uunahin.

Huwag kang magtitigil. Ikaw lamang ang aking sinag sa umaga, siyang tatagos sa bintanang inaalikabok na ng katahimikan. Ang kahoy na matagal na ring hindi pinasisilay ay kikintab sa pagbati ng liwanag. Hihigop na ako sa kapeng iyong tinimpla para sa akin. Ako na lamang muli ang iyong iniwan.

11 March 2019

Isa kang plato ng bullshit, kahit sa kabila pa ng lahat ng mga banda. Sa pagkakamali ng iba't ibang panahon at pagkatuto ng iilan, marami pa ring hindi maitindang kinakailangan nang maipaanod. Kung mayroong sariling pagtuklas sa marami pang magsisipang-abot na banyuhay sa gitna ng mga tinig, sasalaminin ng mga ito ang madalas na paglayo sa kalikasan.

Ipipilit sa magkakaibang anyo ang mga panganib na ipinanghahalik sa tumbong. Aaray, at hindi dahil sa pasakit, ang magiging hudyat na lalago na ang matatagal nang nag-iipon ng panrehas. Ang inis ang mananaig, ang pagkilatis ay patatanyagin. Mata-sa-matang pagtatagumpayan ang himig ng nawawalang kahapon.

Ang kahapon ay nandiyan na, pinagsawaan at dinilaan. Isinantabi, binago, at palaging nagmamalinis. Sa bawat kumpas ng kontemporaryong kultura, kahina-hinala pa rin ang mahihinang boses na aalingawngaw. Kokontrahin ang mga bumabaliktad. Pag-iisahin ang mga pantal na madaling mawasak. At sa kahapon ng kabi-kabilang plato ng bullshit, isasabuhay na ang pagpapatapon sa mga alipin ng pagsubo at pagsuka.

10 March 2019

Hindi ko na minsan maunawaan ang iyong mga tanong. Ang iyong panghihikayat na walang kabuluhan. Sa aking paghigop mula sa tasa ng tsaa, mapapansin kong lalo ang mga linya sa aking noo. Hindi pa rin kita makilala nang lubusan. Paano ko ba itong sisimulan? 

Tulungan mo akong mapigilan ang walang katapusang pagpitik ng aking daliri paibabaw sa himpapawid. Bakit ba ay hindi matikum-tikom ang bibig ng mga alikabok na hindi na sinubukang managinip pa? Dalawang beses na akong nagsasalin ng tubig sa pulot at asukal. Nais ko na sanang mabigyan ng hustisya ang lahat ng paglanghap na ikaw lamang ang nagsasayang. Matuwa ka pa nga sa aki't ako ang kinakabahan! Hindi na biro ang minu-minutong paglampas ng diwa. Ang tyempo ay madalang, maaari pa ring kumurap. Ngunit ang hindi pangangalaga sa pag-iisip ay makasisira lamang ng bait.

Magkakasakit na naman ako sa aking mga medyas, patawarin mo na ako. Hindi ko naman sinadyang magalit ako sa iyo. Ang intindihin mo na lamang ay ang pag-intindi mo kung naiintindihan mo pa ba ako. Sa halip na tumingin sa kawalan, pakawalan ang pagtingin. Malalaya ang mga nararapat na pasukin ang tagubilin dahil kung nagagalit at lumuluha din ang kalangitan, hinding-hindi dapat tayo pauuto sa palakad ng salubsob na minantsahan ng dugo.

09 March 2019

Nakasabit na ang mga balat ng pagpulupot at kantot. Palihim ang pagdagya sa ilalim ng tukol. Makisasayaw ang talulop ng hingal at init. Maya-maya pa’y kung anu-ano na naman ang pinaghahahanap. Sumayaw kang kasama ako, tulad ng pamingwit sa galit na galit na alon ng mga buha-buhanging basura at dura. Hindi ko ipakikita sa iyo ang paglagok ng palagay ngunit iindayog kang pabalik sa pagsabunot ng saya, ay anupa’t tanging saya.

Bubunutin ang mga kristal. Pakikinanging may tagay. Humaling ng pusang malambing lamang at malandi sa tuwing nagugutom, hahaluan nang kaagad ng remedyo ang pait ng matagal pang pinatanda. May pupulupot muli, sa bagong anyong pagpapakilala at pagkilala. Iindak sa trumpeta at mga matang mangapang-lisik ang husga. Tama na, pakiusap. Hindi naman kami gumaganti. Malayo ang ihip ng hangin sa mga nakakasunod sa pagpalo.

Mahuhulog tayo pailalim. Mahihirapang makasagap ng buhay. Maiinitang patuloy hanggang sa may maglalambing na namang muli, noon nang kilala ngunit magpapakilala. Kikirat ang mga ugat, magpapatiwakal ang mga nauna. Mananalangin nang sabay-sabay ang mga pinaitim ng tadhana ngunit sabay-sabay ring sisigaw para sa kanilang mga sarili, sa ating mga sarili, at sa atin lamang.

Maluwag ang kapit, sisikip sa ating dibdib. Tutunggali ang pagtanggi sa limasak ng laway. Aagaran ang puntirya sa pagdadasal ng mga nakaitim. Lahat ng naipong pagod ay babaluktutin ngunit hindi mababali. Kakalimutang pangiti ang mga pari ng pag-asa at gahasa. Magsusumindihan ang lupun-lupong galit, hirap ang mga patay na kaibigan. Sa saglit na papapasukin ang mga uuwi, ang layunin ay maipagpapaabot sa huntahan ng kandila.

08 March 2019

Umaga na naman pala. Hindi pa rin ako aamin. Saglit lamang akong magpapaalam, saka na lamang kitang mababalikan. Saka na nating tapusin ang mga balakid na makapagpapasasa talaga. Kikirot at babalandra ang mga ulap sa bilis ng mga tagisan. Sa halip na magpaliwanag, lalong gumugulo ang mga nakagisnan. Malabong matapos ang lahat pero susubukang makipagpakitaan ng sari-sariling halimbawa.

Sapagkat may pag-aaral, hindi na mamasamain pa. Nakapandidiri ang mangilang paglalakbay tungo sa kaunlaran ng parang. Paalam na muna, kapatid, paalam. Hanggang sa muling pagkikita, kumutan mo muna akong sinag ng himbing at payapa. Malayo pa ang pagkai'y nagluluto ka na naman ng panibagong amoy.

Suliranin ko'y sa iyong mga palagay ang sadya. Hindi pa rin maiibsan ang pagtilaok ng mga niyaring demonyo. Kaunti na lamang, kaunti, ngunit hindi pa rin patitibag. At hanggang sa muling pagkikita, muli, at muli't muli, umaga pa rin naman pala.

07 March 2019

Baka hinahanap lang kita mula rito sa kuweba kong papayuko. Aakagin ko ang lahat, huwag lang mahalata kahit na gusto kong mahalata. Hindi babagay ang ibang bagay sa akin. Tanggap ko naman na iyon. Ako yung tipo ng tao na hindi tipo ng tao. Baliktad ang aking pagsukat, at mayroon akong sariling panukat. Sa kabila ng pagmamagaling ko, sumusunod pa rin ako sa parang.

Tila nawawaglit na naman ako. Nasaan na nga ba tayo? Hindi naman ako naiinis sa iyo. Sadyang makitid lang ang aking utak. Pabalik-balik na magkokontrol ng sariling galit. Nagugutom din paminsan-minsan. May mga umagang may kaligtang kape. Bibilisan ko ang pag-arkila sa lahat ng magpapakarayom ng pintas. Kayang-kaya ang mga hindi pa nakakikilala sa akin. Sakaling makatsamba ng pananakot, ang alalay ng mga kubyertos ang paaanurin. Walang hiya naman sa walang hiya. Maaaring maging bato pagkatapos. Ginabing palad ang pagpapalaya, ihahatid naman lahat sa pininturahang mga puntod.

Nahihilo ako sa ngayon. Pakiramdaman mo ang aking init. Hindi naman sa pagmamasid pero matikas pa rin ang pag-aalalay ng panahon. Huwag ka nang magalit, hindi naman tayong buo lahat, at patuloy tayong magkukumpunihan. Ang mahalaga'y naaagapan ang pagkasira, at hindi magpapahila sa katotohanan. Hindi madaling umahon sa ilalim ng sariling pinagbungkalang hukay. Silaban ang pagbuo sa loob, makararaos din sa pagkalimot. At sakaling hanapin man ulit kita, babatiin mo na akong karaniwang kaibigan.

06 March 2019

Nabubuhay ka na lamang para magalit. Ang mundo ay puno ng reklamo. Ang reklamo ay bunga ng hindi mo inaasahan. Sa lahat ng bagay na perpekto, may kakulangan ang iyong paglingat. Magtatampo sa 'yo ang mga paruparong hindi mo naman talagang mga kilala.

Sa ilalim ng hangin, sisimoy ang dagat. Nakakabit ka pa rin sa lupang kinamumuhian mo. Babalikwas kang madalas sa kawalan ng tinta. Mahirap nang magpatuloy. Mag-iingat na lamang lagi sa bawat pagtapak. Ang mga nakapalibot ay unti-unting mababawasan ng laman. Hindi na lahat ng bagay ay pawang mga kunwari na. Sa katotohanang araw-araw mo nang iindahin, ikaw na mismo ang naglilimita sa iyong sarili.

Magmamalinis ang mga makasalanan. Ang mga mapagkumbaba ay madalas magsisi. Sa reyalidad ng mga pagtawid, pare-pareho lamang ang antas sa pagdating. Hindi ito kawalan ng tingkad sa titig o pulmonya ng saring dalumat. Sa magkakaibang bahagi ng lupon, sa iisang puntod ang nais at ang ayaw.

05 March 2019

Nilasing na naman ako ng boses mo. May pagngisi akong nakagugulo ng isip. Nahihilo bang talaga ako? Hindi ako sigurado sa mga iniisip ko pero masarap sa pakiramdam. Kinakausap na naman ako ng mga pagbulong. Hindi na naman pantay ang mga tala. Dudungaw ako sa bintana ng kailanmang kulimlim. Hinahanap na ako ng aking sigarilyo. Uupo na akong saglit sa aking kastilyo. Wala na munang manggugulo. Ikaw na lamang muna ang gumising sa aking napipintong mga desisyon.

Bahala na, pero ayaw ko rin. Gusto ko ng kulit kahit na mas maiging nakatalukbong sa akin ang aking sariling mga unan. Yayakagin ako ng kahapong may balat ng pighati. Sinasanay ko na naman ang sarili kong huwag masanay. Gutom ako at gusto kong kumain, totoo. Umiinit na naman ang aking kalam. Mag-uumpisa na naman itong magyaya ng sigarilyo. Hindi ko siya papayagan at ng isa ko pang sarili. Maya-maya'y nag-uudyok na naman ang mga residenteng bulong.

Tatayo na ako. Papayagan ko nang pumalag ang langit. Sa tirik ng araw ay may hihigit pa ba sa dinala kong sariling mga pighati? Sigurado na naman ang aking mga susunod pang pagtatanong. Hindi na naman ako pinayagan ng aking mga pakiramdam. At sa pagbabalik ko sa aking sariling mga pag-ikot, hahalikan na lamang muli ng kulimlim ang aking paghimbing.

04 March 2019

Magigising na lamang ako bigla at mapagtatantong nagising na lamang ako bigla. Magugulat ako sa lahat ng nangyayari habang nagpipigil sa hindi ko malaman kung ano. Huwag mo muna akong titingnan kahit ayos lang sa akin. Huwag mo akong patatawanin dahil baka makatikim ka. Masarap pa naman akong magparamdam ng simpatiya at halu-halong galit. Gutom na gutom ang aking isip. Huwag mo akong palalamunin ng ginto. Lahat ng makikita ko ay simbolo ng mga gagamba. Hihigpitan ko ang bawat sapot na pupulupot sa akin. Hihinga na lamang ako nang marangal.

Ilayo mo sa akin ang kape. Usok ang aking hahanapin. Ang pagbuka ng bukas ay hihintayin ko. Ilayo mo muna ang kape. Huwag mo akong iinisin. Makati pa rin sa lalamunan ang mga hindi ko naipinta kagabi. Kaunti na lamang parati ang hudyat ng pag-aangas. Limang beses akong bubuwelo ngunit kalahati lamang ang padyak. Mauurat ako sa pagbibilang ngunit ang pagbibigay ng galang ay mas mahalaga. Iiyak ako sa tabi habang pinipigilang mabigyan ng tamang paalalang may kalalagyan lahat ng mga parirala.

Kakayanin ko ang lahat, banggit sa lahat ng pipihitan. Ang kalampag ng mga paningin sa akin ay bahagyang magbibigay ng ingay. Hindi ako galit pero huwag niyo akong gagalitin. Kalat-kalat lahat ng harayang makipagbuno sa bawat maglalagay ng palag. Kung sakaling kumanti ang kidlat, uusog pailalim. Mag-umpisa ka nang magpaalam sa kahapon dahil paparating na ang dilim. Kukulimlim ang langit. Malulungkot ang umaga. Hindi sinasadyang aalarma sa kagubatan ang senyas ng iisang dahon. Maaalala mo akong muli, mapapangiti kang may kilabot. Sa bandang huli ng mga pariralang hindi sukat, susubukan mo nang gumising.

03 March 2019

Takot ako sa iyo. Takot akong makita kang galit. Takot akong makita kang nasasaktan. Pakiusap, huwag mo akong sigawan. Hindi mababakas kung minsan pero mahina akong tao. Huwag mo akong tingnan nang ganyan, nahihiya ako. Mahiyain ako, totoo. Lumalakas lamang ang aking paghikab kung sakaling maalala pa ako ng mga tao nakaligid lamang sa akin. Bahagi lamang ako ng paligid nila, at sila'y nakikita ko lamang sa likod mo. Kapag sinubukan kong magpakilala, lalo akong kinakabahan. Hindi naman ako mahihiligan ng kung sino lamang dahil sa hindi naman din akong karaniwan katulad ng lahat ng tao.

Mabigat para sa akin mag-iba ng anyo, pero hindi ko naman ito pinagsisisihan. Sa lahat ng beses na magpapakilala kang muli, huwag mo akong antabayanan. Narito ako, kung iyong lalapitan o kakausapin. Mabilis sana akong tumugon dahil sa ayaw ko ring naghihintay. Natatakot akong makita kang may pinagsisisihan o sinisisi kahit mahirap naman talagang pasunurin lahat ng bagay sa mundo. Kalkulahin man natin ang mga pagkakataon, babagsak pa rin ang ilan sa mga nag-aral.

Nawa'y palarin lahat ng mga tambay sa mundo. Nabubuhay pa rin sila kahit na halos wala na silang ginagawa. Kung mayroon man, pinagpapala pa rin sila ng masarap na tulog at talukbong ng sariling kaba at ngiti. Babalik sa nakaraan na para bang tinatakot ng kanilang sariling mga anino. May pagpapaalala sa bawat tugtog na papakinggan hanggang sa bumili na lamang muli ng panibagong dismaya sa sarili.

Itulad mo ako sa kanila, matapang lamang kung walang pakialam sa sarili. Sa pagpapadausdos ng kapuwa, hindi na ako magmamagaling. Pagpalain nawa akong may sariling oras sa pagbibigay ng pakialam. Hindi naman ako kayang pasunurin ng mundo.

02 March 2019

Pagtunggaliin mo na kami, pakiusap. Matagal na kaming nagtititigan. Galit na galit na akong magalit. Sa kanya'y may pag-amba pang malayo ang pakiwari. Gusto ko nang masuntok ang kanyang kaluluwa nang makilala niya ang tunay na bakit. Sa tuwing magkakaroon ng badya, sisikmurahan ko agad hanggang sa ako naman ang makaramdam, na ako naman ang makaramdam ng eksaktong pagpalag na hindi ko mapapantayan.

Umiikot na naman ako. Hindi ko naman sinasadya. Lahat ng ito'y hindi naman para sa kanya ni para sa iyo, ni para sa inyo. Ang pare-parehong halaga ng iba't ibang bagay ay likha lamang ng mga maiinit ang dugo. Kumalma ka lamang muna, hindi tulad ko. Hilaw akong matatag na aamin. Hindi naman kita pinipilit, at wala namang pumilit sa iyo. Kung mayroon mang pumilit sa iyo, ikaw na mismo iyon. Pareho lamang tayong naghihintay sa wala.

Banggit ng iba, mas matagal kung hihintayin, ngunit ang pagbalik sa kung anong surpresa ay kapana-panabik nga naman. Magkatuwang ang paghihintay at sining, at hindi ko pa rin sinasabing may husay at nagpapaalam. Ito'y pagtalikod sa nakaraan, ngunit maya't mayang may paglingon. Kung sa uulitin, ako lamang muli ang aking babalikan. Masaya na sa bawat pag-ambang may galit at tuwa, may pagsilip at hintay, may ngiti at irap. Magkasunod at magkapatong ngunit hindi pa rin nagkikita.

01 March 2019

Google Docs Anonymous List

Alligator, Anteater, Armadillo, Aurochs, Axolotl, Badger, Bat, Beaver, Blobfish, Buffalo, Camel, Capybara, Chameleon, Cheetah, Chinchilla, Chipmunk, Chupacabra, Cormorant, Coyote, Crow, Dolphin, Dingo, Dinosaur, Dragon, Duck, Dumbo Octopus, Elephant, Ferret, Fox, Frog, Giraffe, Goose, Gopher, Grizzly, Hamster, Hedgehog, Hippo, Hyena, Ibex, Ifrit, Iguana, Jackal, Jackalope, Kangaroo, Kiwi, Koala, Kraken, Lemur, Leopard, Liger, Llama, Loris, Manatee, Mink, Monkey, Moose, Narwhal, Nyan Cat, Orangutan, Otter, Panda, Penguin, Platypus, Pumpkin, Python, Quagga, Quokka, Rabbit, Raccoon, Rhino, Sheep, Shrew, Skunk, Squirrel, Tiger, Turtle, Unicorn, Walrus, Wolf, Wolverine, Wombat, Zebra

28 February 2019

Sa inaakalang ang paghikab ay sagisag ng kakulangan sa gabing mapungay, magsisilbing panggising ang huling pagtipong may kakulangan din ang binyag na pag-akala. Hayaang magtipon ang waring mga piniling inis na mas madaling ibato hanggang sa maging kumpleto ang iyong araw. Hindi ko hinangad na maging tabla sa 'yo o maging panabla sa tantya mo lamang na turing. Inaasahang ang lahat ng mangyayari ay mangyayari. Hindi ako kuntento sa pagpayag na ang desisyon ay tungong payak ngunit daig ng hulmahang ipinagpapasalamat. Tiyak ang pagtuloy kung aakapin ang pinadaan. Kung iisipin, hindi ka naman dapat nakikinig sa akin.

Maikintal man lang, malabo ang siyang kabila. Maghihintay ng paliwanag ang mga may nais na mansadlak. Ang totoo'y mapanganib kung susundin ang nais. Sa kabila ng lahat ng galit, hihintayin na lamang ang bagong makasasagip. Wala namang mamamatay, mayroon lamang ipinanganak. Maaaring labas-masok, at may hindi pagpansing abang. Sa timplang sobra sa alat at kulang sa tamis, may kung anong saya sa bawat tumitikim.

Hindi na baleng hindi maubos, puntirya'y sarili lamang. Ang paghapo'y sa akin at sa akin lamang.

27 February 2019

Iba ang iyong lula sa aking lula. Magkaiba tayo ng tatawiran. At maniwala ka man sa hindi, naniniwala pa rin ako sa oo. Babalikan mo ang dati, kikilabutan ka sa ayaw mo na talaga. Maiisipan mong kumawala, at hindi mo na ako muli pang maririnig.

Tumigil ang lahat.

Ako na lamang muling mag-isa. Pagkagaan ko'y nakasalalay pa rin naman sa akin. Bawat buga ay manggagaling sa marunong humarana. Hindi natatapos ang lahat sa pagtingala sapagkat walang katapusan mo akong iisip-isipin. Sa bawat kalyeng iyong madaraanan, ang usok ng kable ay madaling maaamoy. Mag-aanyaya ang iyong mga kaibigang suwaying muli ang iyong pani-panibagong pangako sa salamin. Madali kayong uupo, maghihintay sa ginaw ng gabi. Ang tugtog ng mga tala ang magsisilbing gabay tungo sa kinabukasang madali mo lang ding makalilimutan.

Hindi tulad ko o tulad ng mga inamin ko sa iyo. Maghahatid sa atin ang maya't mayang pagbabalak ng diwang may hilig sa simpleng pagsilip sa iyong mga ngiti. Ang marinig kang tumawa'y nandiyan lamang nagkukubli. Hindi paaawat ang bawat ganting pagtatago. Susulitin ang mahulog nang paulit-ulit sa mapangatwirang mga lula sa iyo lamang ang puwersang kakayanin.

26 February 2019

Kung pagbibigyan lang ng mangilag mong mga mata ang pagsilay sa kung anong hindi mo gusto, lalabis nang maaga ang hinihinging pag-asa. Aantukin lamang ako nang agaran, hindi mo ako maaabutan. Sa iyong pagsubok na sumingit, kakailanganin mo munang maalala ang iyong inay bago ka mapagalitan.

Wala munang magbabalak na akuhin ang pagbabayad. Mapagkakamalang sintunado ang disiplina kung bumulagta ang inaasahan. Sa bawat gurang na magagalit, ganti'y paumanhing may pasubali. Pasenya, pasensya. Iparirinig nang maigi. Dahan-dahang aatras, hindi naman animong tatakas. Magpupumiglas sa hindi naman nakabuhol sa rehas. Kakabahan sa walang totoong kathang-isip. Ipagpupumilit ang waring tila kunwari.

Iihip nang maginaw ang hangin - ang hindi kailangang hinihingi ng iyong katawan. Sisiklab ang init, magbabalik ang katayuan. Titingala kang muli sa talampad na pare-pareho lang din naman ang kalalabasan. Mag-ingat ka sa pag-iingay, at hindi lahat ng mahuhusay ay matatapang. Babatiin ka ng iyong kape ngunit galit pa ring maghihintay sa pagsilay mong hindi ko na gusto.

25 February 2019

Matagal na akong naghihintay na may mangyari sa aking wala. Dadanasin kong bumalik sa himyas ng alapaap at keso. Masarap ang pagbaluti sa akin ng kawalan ng pakialam sa kung ano pa nga ba ang bukas at ngayon. Lahat ng dumadaan ay nagiging kahapon, bawat segundo, bawat minuto. Magagalit ako sapagkat ang tanging masasabi ko ay hindi na lamang para sa akin. Patuloy itong umiikot hanggang sa tumumba na akong walang malay.

Bawat pagdukot ko sa hindi ko kailangan ay panibagong adya ng matamis na perspektiba. Isa-isang dumedepende ang pagsigaw sa aking likuran maging sa kaligiran ng aking pandinig. Ipagkakamalan kong totoo kahit na alam kong may makabibingwit. Tatratuhing salapi ang bawat daliring iigpaw. Malimit na tatanggapin ang sarili ngunit tatanggapin ang pagtanggap ng iba. Mahina ako sa palagayan ng loob pero hindi ako makalilimot magbukas muli ng aking pinto.

Nagsisimula at nagtatapos ang pakikinig. Pagbibigyang muli ang nagtanghal. At sa kung sakaling nasa mabuti akong kalagayan, lilipad na lamang ako sa mainit na hangin. Ang paglutang ay masarap, sinsarap ng alapaap. Unti-unti akong lulutang hanggang sa gumising akong muli sa wala.

24 February 2019

Masyado ka nang mataas, tingnan mo naman kami. Ang sabi ko, tingnan mo naman kami. Sarili mo na lamang ang nakikita mo. Nakakatawa na lamang kasi kung anong taas mo niyan, siya ring kabaliktaran ng pangarap mo dati. Mayabang ka na kahit na ipinapakita mong mabait ka pa rin.

Ang pag-aaruga ay tunay lamang sa mata ng iilan. Pinipili ng mga hindi kumukurap ang nais na mabigyan. Ang pagsadya ay tatagos, tiwakal sa pagsaglit. Pipilantik ang hindot kung sakaling mabigyan pa ng silbi. Hindi lahat ng bagay ay nakalilito, sa 'yong gana ay halimbawa. Kung makasumbat ay wagas, hindi naman nagbabanat. Ang pagdampot sa libro ay katumbas ng pagdampot sa ibang bagay. Nasa iisang utak lamang ang pagsaboy ng karangyaan.

Huwag mo kaming himuking may sapi ka ng henyo. Tandaang malikhain ang kuneho kahit na napipinto na ang kanyang kamatayan. Baliktad ang oras, itabi man sa mga salamin. Patay-sindi kang papatayin ng iyong pansariling pagpasok sa mga iginigiit mong kayabangan. Ang hangin ay hangin, hindi dapat pakawalan. Kung sumirit man ng hikayat ay kibit-balikat na lamang. Hindi lahat ay iyong maloloko. Madali lamang sumuway kung walang bahid ang siyang polo.

Putang ina mo, mahangin.

23 February 2019

Sa ganang akin, ihihiga ko na lamang iyan sa unan. Madaling-araw na naman. Hihigad na naman ito sa akin. Hindi madaling magkaroon ng ibang mga boses sa aking lalamunan. Bawat pahinga ay paghinga. Iikot nang iikot ang aking mga mata. Ang aking pagbaluktot ay mekanismo ng galit at pangamba. Hindi ko tatanggapin ang lahat ngunit ang lahat ay hindi ko rin palalampasin. Magkalat na ang kayang magkalat, hindi ako matitinag. At sa iba pang mga pagkakataon, may kung anong salag itong aking paghimok.

Isa na ito sa mga pangarap na hindi kailanman matutupad. Maaaring magkaroon ng hindi pagkakatagpo. Ang liwanag ng langit ay minsan na lamang inaasam. Ang pagpapakasakit sa ibabaw ay aabot sa pagiging karaniwan hanggang sa ipaubaya na naman sa langit. Bibigkasin ang bawat titik na parang normal at hindi matatakutin. Sagana ang ulirat sa hindi totoo sapagkat araw-araw pa rin naman ang pamemeke ng mundo sa akin.

Yayakap ako sa akin, ako lamang ang tangi kong kilala. Makararating ang matitira, bubulasawin ang lahat ng akin. Maabutang ang paggana ay siyang magpapatikom ng ibang mga bibig. Boses ang siyang magdadala sa lahat ng hindi kailangang malaman. Ang pagngiti sa huli ang siya ring bibihag sa pansiriling kamalayan.

Magpapaalam nang paulit-ulit. Hinding-hindi makukuntento. Iikot nang iikot sa sariling mata ng bagyo. Ipapaubaya na lamang muli ang pagpapalampas ng galit. Ihihiga ko na lamang ito sa unan kung maging sa ganang akin.

22 February 2019

Gusto mo bang maging pagmamay-ari ng karimlan, ng saluksok ng usok sa gilid ng putikan? Walang kuwenta ang mga abo kung sa mga aso lang din manggagaling. Lahat ng iyong malalaman ay kusang ipatatapon sa hindi mo pa tabi. Hindi lahat ng ibinibigay, kusang maglalaan. Hindi lahat ng nanghihimasok ay magkakaroon ng kuwenta. Ang aking paghimay ng bawat tunog, libre lamang at makisig, huwag kang titiklop.

Aaminin ko ang lahat, hindi ako matatakot sa iyo. Sino ba naman ang mangsino, kung sisinuhin ka ring todo. Hindi bakas ang malumanay bagkus ay bigyang-halaga. Malakas ang biglang pugay kung mag-aarkila ng bangka tungong pampang. Kung tanawi'y nag-aabang pa minsan ng pansiteria sa tindahan. Maaamoy ng tiyan ang panghimagas na tinapay. Papayagan pa ang sariling umisa ng pagsawsaw, sa pagsimot ang siyang tunay na aking ligaya.

Ngayo'y magtataka kung magtitino pa nga ba. Ang matino ay pagpapahalagang siyang may angking karga. Susunduin mula sa langit, sa lupa din lang ang dating. Makarating man sa paroroona'y may kung anong katuwaan sa pagsampal. Maglolokohan sa pagitan ng himala at taimtim. Aawit nang sabay-sabay sa mumunting palabas na pag-aalay. Ang paglibing sa kaba, walang may tikom na magsasabi. Sabay babalikwas sa tabi, ang puso'y siyang tataba pa rin.

Ang paghihiwalay ay may pag-akit na tunay, huwag kang mangangamba. Lahat ng ito'y kunwari lamang, magpapaari ka pa ba?

21 February 2019

Nag-aabang ako sa tabi ng motorsiklo. Lamok na lamang ang aking mga kausap. Ang kanilang pagkagat ay nagmimistulang halimbawa sa pagkitid ng iilan. Hindi kita kinakailangan. Ang aking sariling hibla ay may paninindigan. Walang pumipilit sa iyo kung kaya't ang paglisa'y mas madali pa sa inaasahan.

Hindi ka naman nagagalit, ngunit may nakikitang kung ano. Hindi naman sa pagmamagaling ngunit hindi ko kaya ang kaya mo. Sa lahat ng ibinabagsak ng langit, tanging pluma ang may gana. Aanhin ko ang motorsiklo sa ganang akin ay walang gana. Ang lahat ng aalikbo, siyang bibigyan ng tsansa. Kakagat ang nais tumerno, lalapit ang gustong magisa. Hindi papalarin ang lahat, kaunti ang makasasakay. Babatyain ang paghampas sa kunwaring kisig ng ulikba.

Huwag kang matatakot, patuloy na pagbanggit ng iilan. Lahat ay matatapos kung sakaling pagbigyan. Ang lahat ay nararapat, paumanhin kung maiwan. Simple lamang ang gusto, ang nais ay talikdan. Hindi habol ng makata ang magpasikat, kumirot. Pipikit ang mga mata ngunit imposible nang umikot. Pagbibigyan ng madla, pagbibigyan ang madla. Ang bahagyang pagsara ng pintua'y hindi halos katapat ng pagpatay-sindi ng kabastusan. Hindi magpapaawat, kakayaning maghintay hanggang sa luminang na ang kintal.

Kape na ang isusunod sa pamamaalam na diretso sa paghahalo.

20 February 2019

Pantay-pantay lamang tayong mga kawayang nakapatlang sa lupa. Minsa'y susuroy sa hangin, magagalit ang tigdas. Sa kapalaran ng bawat isa, matindi ang paglingap nang matibay. Ang pag-asa ay hindi pagbabago. Nag-iingat lamang ang lahat. At sa kabila ng lahat ng pamamahinga, hindi pa rin makikilala ang taos na pagod.

Madulas tayong pipindot. Mahimbing lamang ang tiyempo 'pagkat hindi namamatay ang antok ng 'di hinahon. Minsang pipigilan ang pagngisi nang maibalik ang katamtamang kalooban. Magtatanong kung kulang sa kamay ang may kayang umawit. Ititimpla na ang pampalamig ng tiyan. Ihahalo ang kolorete ng ibang ibayo. Kalalabasa'y pagtanggi sa nakasanayan ngunit umaasang ang lahat ay pampatulog lamang.

Lahat ng susubok na humampas ng martilyo ay magkakaroon ng kakarampot na pagkakataong makapulot ng biglang bawi. Kakailanganin iyon ng mga hindi kilalang sumandali, at hahabulin ding makapantay pa sanang muli bilang mga katuwang pa rin sa lupa.

19 February 2019

Ang pagsulat ay pag-alala, muli't muling pagbabalik sa dati. Hindi ito kumakapit kung hindi kusang kakalansing. Ang hindi magpaasa ay lalong kakalamuyin. Hindi sinasadya ang lahat ngunit sasampal na lang nang malumanay. Ang muling paghawak sa iyong kapalaran ay tatag ng hindi na maaawat pang paulit-ulit na muling mga linya.

Ang paggunita ay minsang maiiba. Hindi lahat ng iyo ay sa ganang sarili (lamang). Magiging maingat sa lahat ng maiaatas sa lahat ng susunod na pagkilates. Sarili ang uunahin sa kapakanan ng iba. Maaaring hindi makuha, at wala nang mabibigyan pa ng pakialam. Ang pagsusuri ng sarili ay maigi upang maialay nang malaya ang muling paghubog.

Ang pagbabago ay pangangailangan. Hindi lahat ng iyo ay ikaw, at lahat ng hindi ikaw ay mapapasaiyo. Tanga lang ang takot at naniniwala sa malas. Kung kuyugin man ng langit, karampot lamang itong kikirot ng kurot. Matagal nang kinilala ang kapalaran, at matagal nang binitawan ang pagkapit. Siyang pagsulat na lamang ang aalala.

18 February 2019

Kinakalawang na ang gitara mo. Matagal mo nang hindi ginagamit. Ang kanyang tugtog ay hindi na napakikinggan. Kailan mo siya muling babatiin? Matagal mo na siyang hindi kilala, matagal mo nang hindi kilala ang iba pang bahagi ng iyong kaakuhan. Kaunting tipo lang ng mamaya na, sira na ang buong kapalaran. Huwag maging maingat, sirain ang lahat nang todo, hindi ka naman nag-umpisang magaling. Hindi ka mamamatay nang kalawang.

Patugtugin ang muling pagbabalik sa kalesa, sa nagtataasang mga pader at itlog. Sa bawat maning ibinenta at mais na nginatngat, ang semento at padyak ay nagmamahalang tunay. Mapangingiti kang sumaglit, kakalabitin mong muli ang kuwerdas, iigting ang pansimayo nang paulit-ulit hanggang sa manggaling kang muli sa paghinga nang malalim. Magugulantang ang iba maging ikaw na naaasinta mo nang bigla ang mga hindi mo iniisip noong araw. Mayroong siyamnapung pagseselos sa lahat ng babalikan ngunit iisa lamang ang maisasayaw sa iisang huling gabi.

Kahit na hindi ikaw ang may desisyon sa iyong mga sinabi, ikaw pa rin ang may sabi. Iba ang kanilang maririnig mula sa iyong ipinaparating. Magagalit kang saglit sa mga utos hanggang sa malaman ang katotohanang walang katotohanan. Sila rin mismo ang lumikha ng mababango sa kanilang tenga at hindi mo sinasabing hindi sila tama. Hindi mo rin sasabihing mayroon kang sariling tugtog na tama, at ngingitian ka nila sa likod ng iyong mga ngiti rin. Ano na lamang ang silbi ng mga hindi totoo?

17 February 2019

Ang tao ay pag-ibig. Pag-ibig ang tao. Kung sinuman ang iibig, ay iibig sa kanyang sarili. Ang sarili ay siya lamang, siya lamang ang iniintindi dahil siya at siya lamang ang tanging may paghagip. Ang paghagip sa iba't ibang puwersa ay hindi kailanman bubunggo sa isa't isa bagkus, ang pag-ibig ay pag-ibig, at hindi magiging pagkutya.

Ibig niyang umibig 'pagkat ibig siya ng pag-ibig. Guguntal ang lahat huwag lang ang pagtitig. Lahat ng iya'y nakakalat lamang sa maestro ng lahat, dahil ang lahat ay iisa, at ang iisa ay lahat. Walang pakundangan 'pagkat ang pagbukas ng bintana ay yayanig sa pulbura, kakalanso sa antipara, at babasag sa sunog at ulam. Hindi ang pagkain ang maiiwan ng pansin. Ang matapang lamang ang may sariling panindig sa hamon ng pag-ibig.

Dahil hindi talagang malambing ang pag-ibig. Mangahas ang makikipagkaibigan sa kanya. Ang araw-araw na pagsusuot ng sapatos ay araw-araw na kapalaran. Baliktad mang suoti'y problema ng iilan, ngunit hinding-hindi ng balak para sa pagsamba ng payapa at usok.

Ang tao ay pag-ibig. Iibigin ang tao. Maisasakatuparan lamang ito sa pagtuntong na sarili ay hindi ang kanyang sarili, kung hindi ang ibang mga sarili.

16 February 2019

Hindi basta-basta ang pagpara ng jeep. Hindi basta-basta ang pagtigil ng takbo. Ang senyales sa pagharurot ay kaiba ng pag-abante. Madali lamang sanang lumingon kung iisipin sa makasariling yapak. Maiging alalahaning hindi nag-iisa ang tao sa mundo. Kung suliranin mang hindi ka nag-iisa, mas madaling mauunawaang gumagana rin ang utak ng nakararami. Hindi naman ibig sabihing mabigat ang iyong pakiramdam ay sang-ayon na sa iyo ang mundo.

Alalahaning may sariling mundo ang mundo, at wala itong pakialam sa iyo. Sa katunaya'y wala itong pakialam sa kanyang sarili. Mula sa gayo'y wala rin siyang pakialam sa iyo, ngunit hindi ito isang pag-atake ngunit likas na kailangang masilayan. Lahat ng kanyang ibinigay ay hindi niya ibinigay kung hindi kinuha. Lahat ng kanyang ipinakita ay natuklasan at walang pagkusa. Lahat ng kinuha sa kanya ay ibinigay nang walang sabi-sabi, ni hindi pinangakuan ng karangalan.

Pasasalamat sa ibang pagkakataon, ang tao'y minsang hindi naging likas sa mundo. Ang mundo'y mananatiling likas hanggang sa maglaho na ang tao. Sa pagpuna ng pag-ibig ng iilan, sariling pagtitiyaga lamang ang inaatupag. Ngunit kung magsisimula ang pagbabago sa sarili, hindi malayong makapang-uugnay ito kahit sa nag-iisa lamang.

Hindi basta-basta ang pagpara sa mundo, mundo ang magpapara sa kanyang sarili. Gayunma'y hindi na napapansin ng tao na matiyaga pa rin ang mundo sa kanya, bakit hindi siya maging matiyaga sa iba at sa lamang sa kanyang sarili?

15 February 2019

Sumasarap na ang lasa sa ihip at laway ng yosi. Sisiklop muli't titingala sa mga ulap. Kanya-kanyang mga 'di karaniwang tantya ng kasalukuyan. Ang pag-asa'y tanggap nang hindi darating, at ngiti na lamang ang kayang iganti.

Sumiluwak na't ipinaghain ang paghila sa katabing yaman. Ang paghimas ay patudyo hanggang sa hindi na at wala nang napipilitan. Bawat pag-udyok ay sasalamin ang hagikhik sa tuwing sinasalo ang iba't ibang bahagi ng hibla. Pinagmumura nang tahimik ang lahat ng mga yerong aninag. Malapit nang mamatay sa kalawang ang mundong hahalikan na ng dilim. Yayakag na maya-maya lamang ang libak na siyang turing. Mag-uumpisa na naman (muli) ang pag-uulit.

Tanging tutugtog ang alingawngaw ng hangin sa bawat sulok nitong masusuotan. Hihigante rin ang kaluskos ng masisipag na aliw. Aalitaptap ang muling pagsilab ng pangyayari. Magkakilalang mag-uusap ang mga hindi na sariwa't batid na rin sa wakas ang buwan.

Sumasarap na ang lasa sa bawat laway at ihip ng kalam. Titiklop muli't titingala sa mata ng puting pinatay na nang makailang beses.