Pabalikin mo ako sa samyo ng malamig at malambing. Paantukin sa ginaw ng kulimlim ng lupun-lupong ulap. Sa ganito ko lamang tunay na sinisinta ang kapayapaan. Payapa akong magmuli, sa magkahalong halumigmig ng mga damo at dahon, sa gilid ng dalampang sementadong kalsada, kumportableng kongkreto. May katok nang buo ang mga kahoy mula sa uupuan kong may lumang barnis. Takatak nang walang pagmamadali sa aking kahon, sabay hugot ng panibagong sala. Sasayawan ako ng usok na aking ibubuga, hindi ko malilimutang haluing muli ang aking kapeng dahan-dahang pinapaslang ang sigasig.
Ayos lang, ayos lang. Ito ang awa ng buhay sa akin habang unti-unti kong pinapatay ang aking mamikit pang diwa. Mandilirim akong saglit bago pa man mapagtantong hindi lahat ng buhay ay biglaang namamatay. Nginitian kong muli ang aking kape, may kaunting habag sa aking mga labi. Maya-maya'y mauubos ka na, at ako'y magsasakripisyong muli ng ilang panahon para sa walang kuwenta pang mga bagay. Itinuring ko silang lahat na aking mga kaibigan, malayo ako sa aking kinamulatan. Sa mga saglit na isinisilid sa aking mga hawak, may kung anong duwal ang gustong kumawala. Huwag na muna sana, huwag na muna.
May magpapakatatag pa, makikiisa sa orkestra ng mga huni at simoy. Pipikit akong muli habang kinakapa ang sunod kong atubili. Sa mga susunod na buga ng pamamaalam sa iniwan, kakalabiting muli ako ng pagal na paggunita. Ngayon na, punyeta ka ba? Kukunot ang aking kilay, pipigilan ang mapagbadyang bara sa hinga. At sa aking pagdilat, gugulong na lamang ang luhang sisira ng sansaglit na simuno.
Tara.
16 April 2019
15 April 2019
Nakaiiritang pagbigyan ng pansin pa ang mga tangang masigla pang makikipagpataasan ng salbaheng uukiting marka. Mapanganib kung lalapit ang mga kaibigang hindi naman pala swak sa panlasa. Nakakatawa na rin. Kahit ilang ulit pang pilit na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpigil sa pag-amin ng kayamanang magaganap, may sa yawang kadakilaang makapagpataas pa lalo ng ihi ang kayang-kayang pagkalaanan ng kasiyahan.
Malabo na bang may makaarok pa? O tatanggaping suwail ang tama at magpapakapasan na lamang? Hindi biro kung magiging kay dali ng pag-agaw ng saya sa dibdib. Kailan bang naging katuwa-tuwa ang maagawan? Lahat nama'y paglalaanan ng panahon, hindi naman magkakapareho ng daanan ngunit iisa lamang ang destinasyon. Maging mapagparaya sa mga bagay na hindi naman tunay na ikadadakila. Nilikha ang mundo para namnamin, at hindi para lamang lapastanganin at bigla na lamang iwan.
Tulad mong marupok, tambay lamang sa mga pook-tanghalang ikaw lang din ang siyang may gawa. Sa kakitiran ng iyong isip ay madaling mahuhuli ng gagamba ang iyong mga banta nang hindi umaasa sa kanyang hamak na mga ibon. Alagaan mo na lamang ang iyong pinaghirapang tamo, ipako ang pamamalagay sa kathang haka. Sa wakas, nawa'y mahulong ang dalisay na damdamin ay hinding-hindi maaaring bawiin pa.

14 April 2019
Dahan-dahan kang minamadali ng mundo. Nag-aabang sa bawat pagsayad ng kapit. Kailanma'y hindi mo inaming ikaw si Goku para magapi lahat ng iyong mga kaaway, mga binuong kaaway, mga maya't mayang paninirang ubod ng pait pa sa iyong nakaraan. Paaalalahanan pang ang iba'y magpapakilalang may lalim at lubos ngunit sisisid palang walang pakialam, may kargada sa bawat tilamsik ng lingat.
Kaya't mag-ingat, obserbahan ang iba't ibang gawi. Huwag magpaanod sa likas na tuksuhang malabo namang kabit sa iyong siguradong paglaya. Kung mapanood man ang dulo'y konsiderahing maalat ang sariling tirada kung hindi para sa iyo ang lahat ng inihain. Taglay mo ang iyong mga sarili, makailang ilan ka man, dahil lahat ng pagmamataas ay tungo lamang sa landas ng mga nauunang magpaalam.
Pasanin ang mga galit, inis, titig. Lahat naman ng mga iya'y makalinang-kutob. Pumares sa may payak na puwestong pupuwede pang pumanig sa mga pinipilahang payo. Kung ganito'y ang bawat birong bibitawan ay saktong may makauunawa, kung hindi'y mapagbibigyan pa rin ng palakpak. At kung sa dumating ang minutong ubos na (naman) ang respetong kaibuturan, papasanin kang dahan-dahan ng mundong ikaw ang siyang tinataglay.

13 April 2019
Kailangan ko ba itong kamutin? Muling gisingin ang nananalaytay? Sa kaunting pakipot ay bigla-bigla na lamang nabubuhay. Mangilan-ngilang araw rin ang pinalipas, binilugang mga marka. Paikut-ikot na ako sa mundong hindi matantya ng aking mga bisig, kalam, galamay. Sirang-sira ang bait, mamaya na lamang gagapang, pabalik, wala na ang pagkasabik. Pagbigyan na sanang muli ang hinihinging alaala, muling makaramdam sana ng mga ayaw maramdaman. Saktang muli ako.
Saktan mo uli ako.
Dadagundong sa alapaap, malabirheng santa ipokrita. Bababaang kaunti ang liwanag. Magpapatindi ang kape. Maghahalo ang kaba't ulirat, mahaba pa ang umaga. Doon mo na ako sunduin sa malayong paliparan. Masdang mabuti ang pagwasiwas ng mga sibol at kagintuan. Iwasang bumahing-papikit nang walang malampasang pagsisisi, na sa bawat paglingoy saya lamang dadampi sa mga labing kung saan-saan na makararating.
Mahaba pa ang umaga, kalahati pa ang aking tasa. Puno pa ang aking kaha, nangangamoy pa ang mantika. Pasinayaan ang mga balakid, wala namang masama. Kaluguran ang mga ito sapagkat may layuning makakita sa dilim. Sa bawat hakbang ay tutuldok ang liwanag, mitsa ng mas malaking marka, bigating mga bilog. Lahat ng nalalama'y maaaring sumaliwa ngunit matapos angasan ng anghang, tatandaang matatapos din ang umaga.

12 April 2019
Bad trip? Bad trip. Para sa 'yo ay okay lang. Sa tingin mo'y may patutunguhan pa rin naman kahit na magsayang pa nang makailang ulit ng panatag. Manlilimos na lamang ako ng pangkamot sa aking mga hinaing at tatandaang hindi lahat ng nakasabit ay maaaring abutin. Kulang pa rin pala ang mga pagpapasakop na inilaan para lamang makapaghiganti ng tamang pagtugon. Malayo pa ang pagsikat ng buwan, malayo pang makagisnan ang hinihintay na mumunting sandali.
Kaunti lang ang mga sandaling paparating, tatratuhing may paggalang at tuwinang sisintahin. Lalambinging sagad nang dahan-dahang mapawi ang kumukulong pagpipigil nang hindi umapaw at makapandamay-talsik. Magkukusa ang lahat nang walang tanung-tanong, pigta-pigtas na magkakasalubong ang matagal nang nangungusap na mga masdan. Magkakasilayan na (muli) ang mga pinagtagpong pareha ang hilig. Makikilala na namang muli ang tunay na kilig, ng likas na pag-asam.
Tila may paninibago pa rin (muli) sa iba't ibang taglay na tamis, sa iba-ibang anyo ng hinagpis. Ang pangungusap ay magsisilbing hudyat ng pamayag-tipong nagbabagu-bago ang angking pagpapahalaga. Ang buwan ay hindi palaging sumisikat, nakikita, ngunit palaging nariyan. Kung magsimulang mag-alala'y tingalain mo lamang tayo sa langit, sa ating nag-iisang buwan, sa ating pinagsasaluhang dilim, sa bigat ng liwanag at samyo ng mga usok, halika, oh halika, at huwag ka nang magalit.

11 April 2019
Subukan mong makipag-agusan sa magkabilang palapag 'pagkat tila naninikip na naman ang iyong paningin. Ibuhos ang buong sarili sa pagkikipagkapwa-taong may pagpapaabot ng kani-kanilang nararapat na respeto at galang. Walang iniwang may pag-atubiling paghahanap ng pinakyaw na mga kaibigan. Sinusubok na lamang palagi ang kakayahang makapaghatid at sundo ng pasaherong hindi malay kung naliligaw pa rin nga ba ng landas. Napakadaling manlinlang sa ilalim ng kahusaya't kunwaring mga panalangin.
Hindi ko na madalas mapigilan ang aking sarili. Kusa nang may pagsulpot ng kabit-kabit na sapot ulanin man ng mga dahon at alikabok. Sabik lamang sa papremyong alok lang din ng mga tulak sa hangin. Gayunma'y may kung anong repleksyon din ng mga anino sa tuwing sasapit ang dilim. Aral ang mga nabibigo sa lalim ng kagat at sumisikad ang lasong dulot ng mas makakapal na habi.
Kung may gabi'y sasapit tuwina ang kinabukasan. Kilalaning ang tapat na pagpaparaya ay hindi lamang nakaangkla sa batugang pagpapakaermitanyo sa kuweba ng mga naipit at napiping bato. Ang pagduloyong ng proseso ay palung-palong aarangkada kung may silbi nang muli / talaga ang mga hinusgahan ng iyong mga mata lamang.

10 April 2019
Isa ka nang crazy fucker! Congratulations!
At huwag kang magpunyagi.
Umpisa na ng mga malalitratong kalabit kung saan magkakaroon lamang ng sigwa kung babalanse ang mga nasa kanan. Mag-ingat ka, huwag kang padalus-dalos. Lalo na kung mapadausdos tayo sa ngalan ng hindi natin nakikita. Maraming mahilig mag-ingat ngunit napahihiya lamang sa huli. Mag-uumpisa na rin silang maghanap ng muling magpapakilala sa kanila. Sa lahat ng alam nilang patutunayan, uulitin pa rin nila ang siya na ring mga inulit pa.
Paulit-ulit, minsan na lamang na nakakikilabot. Hindi rin kailanman nagkaroon ng pagkakapantay sa paghahanap ng rehas ng katapatan. Bawat sistema'y mukha nang pinagpiyestahan ng iisang dalumat. Marapat lamang na unti-unting wasakin ang mga isinakatibayan nang magbalik nang kusa ang mga ngiti at tuluyang gumulong ang tunay na mga butil ng pagsisikap. Ngayon pang kay init ng pagdurusa, hindi pa rin maiiwasang magsiwalat at suotan ang maninipis na bahong masigla pa rin ang mga suntok, walang kamintis-mintis.
Nagsimula na ring muli ang desperadong pagpapapansin. Matagal-tagal na rin namang diwang inasahan ang kababagsakan ng mga upos at abo, sa muling pagpapanggap na ang init ay nasa loob lamang. Bawat pakiramdam ay nabuhayang-sigla, maiiksing minuto't maghahanap ng hindi pagbabagong-lasa. At kung hindi pa titigil ang iyong pagpapasyang sumingit, at oo nga pala, maninipis na naman ang mga pinagdikit-dikit na talulot, kakarampot na lamang ay titiradurin ko na ang mga paksang lakas makaaya ng pogi. Aasa na namang puri sa pagbuklat ng susunod na kahon. Bakit pa nga ba dapat tayong magsuot ng mga maskara?

09 April 2019
Sinubukan kong umunawa, ako ang ginago. Oo't walang taong perpekto pero bakit palaging mayroong apektado? Walang magkapantay na emosyon, binabasag ang mga ideyolohiya. Maaaring mag-umpisang kandila ang mga sumasabog sa digmaan. At sa digmaan ng mga salita, mag-uumpisa ang maiingay, manonood ang mahihilig, mananatili ang mga tahimik na pakialam. Maniwala ka, maniwala ka, hindi ako ang sentro ng mundo, maging ikaw ay nasa likod lamang ng iyong pekeng pakikipag-ugnayan. Ipakikita mo ang iyong galit ngunit lihim na nagmamahal pala nang wagas sa inaaping tulad mo.
Walang kuwenta nang humingi ng pasensya, ni pag-intindi sa kabilang direksyon. Makikisalamuha pa ba ako sa mga ipinipilit na imposible na ang pagbabago dahil hindi naman din sinusubukan? O kung mag-umpisa ma'y aberyahan lamang nang saglit o mabigat ay bibigay na ang galit na galit na kondisyon? Walang ibang maaaring mag-umpisang bumuhat sa iyo kung hindi ang iyong sarili!
Paano ka na lamang lilingon sa nakaraan kung sayang na sayang na ang bawat segundong sinasampal kang pataksil? Sapul sa bawat pagpaslang, ayaw ko na sanang magsalita pa. Ayaw kong may nasasaktan, ayaw kong nasasaktan, ayaw kong may mapanakit pang mga ugali't salita na karaniwan namang iniiwasan. Bakit ba kailangang magkaroon pa ng mga hindi kailangang kailangan? Siyang nakalilitong harang.
Naiba na naman pala ako ng pinuntuhan, parati ko itong nakalilimutan. Ang dapat ko lamang sundin ay ang itinakda ko nang mga tanging gawain. Nasa akin nga pala kung sino pa ba ang dapat kong tanggapin, o kung susukuan ko ba dapat ang aking mga kaibigan, mga kaibigan sa sining, mga kapanalig sa kamunduhan ng mundo, mga epal lamang sa aking paningin, at kasiyahang dulot ng paghahanap. Sa huli'y mapagpatawad pa rin ang aking puso, sa mga nararapat lamang patawarin. Ang pag-unawa ay 'di ko pinipilit bagkus ay siyang kakalabit na lamang nang nakangiti sa anyaya ng pagbabalik.

08 April 2019
Pakapit na nang pakapit ang lagkit sa aking pantalon at binti. Putang inang panahon 'to. Sikapin mang makipagtalastasan sa araw'y wawalang hiyain akong konyat hanggang sa matulog na lamang akong humahalik sa aking mga unan. Hindi ko na hinanap pa ang aking kumot. Paubos na ang malalamig na tubig. Batugan pang saka na ang bumili ng yelo at kay layo ng ating baba. Sana'y may lumapit na masipag at mabait nang matikman ang saglit na pamamaalam. Pag-iisipan kung maghahanap pa ng ibang kulay ngunit hihilahing muli ng mabibigat na braso.
Hay, kanina pa ako naghihintay at nagtatanong. Wala pa ring nakapapansin sa akin. Kahit ilang beses pa akong humanap ng pagtatapos ay para lamang akong nag-aabang ng sitsit maya't maya at bigla na lamang hahandusay at kalilimutan. Malaya ang mga naghahanap pa rin ng hustisya mula sa mga kumakalam pa rin ang sikmura. Hindi batid ang tunay na tayo, o hirap nang bumalik pa sa sinag ng simpatiya.
Salamat na rin sa mga poon, at naipagtibay pa rin maski papaano. Malubak ang panig tungong pagtatapat. Malabo pa bang maging kay inam ng mga natitira? Sa mga ipinagkaloob na sa lubos na umuunawa, maiging mauna na sana ang hindi kumakampante. Baligtad kung baligtad, hindi ako nagsasabing palaging magiging totoo, at sana'y kahit nag-iisa na lamang, maibalik nawa ang sapat na ganti nang maumpisahan na ang kade-kadenang milagro.

07 April 2019
Sampal sa apdo kung malaya pa rin nga ba ang mga ulap. Nananalaytay pa rin sa kanilang mga langit na buhay ang walang kapatawarang paghimok na ang gustong makihanay sa mga may maiingat na palad ay siyang bumabati sa masalimuot na pagdarahan-dahan. Nakikita kong lahat ay nais magmadaling matapos na agad ang laro, hapit nang magpakilala, ngunit ang hindi pa nalalaman ng iba'y tone-tonelada pang singkong grasya ang nahihirapang sumayad sa kanilang pagkaliit na mga sakop. Ang iba'y sinusumpang magkakadena na ng mga mapandurong kahulugan subalit karamiha'y humahantong lamang sa pag-aabang ng babawiin ding liwanag.
Madaling umaray kapag may mananakit, ang pamamahinga'y dumaraan na lamang sa panaginip. Magsasabing patuloy pa rin ang kayod tungo sa pagbabago pero magsisipalitan na ng paliparan sa bumbunan. Lalong lalakas ang hagupit ng bagyo sa mga makararanas ng gutom, hindi lamang sa karaniwang kanin at karne, maging na rin sa lupit ng ginhawa sa pagtikom ng kanilang mga bibig. Sila-sila na lamang mismo ang umaalalay sa kani-kanilang mga paghakbang, mga tubig-ulang aanurin at paunti-unting dadaloy sa mga butas at baho ng mga kanal. Pagninilayang aabot sa paghahanap ng mga tinapos at hindi sumaklolong mga guhit ng ibang mga palad.
Labas ang sumilip, puntiryadong walang siwalat. Magtatanim ng mga salamangkang sila-sila lang din ang nakalilikha. Magbabago ang mga pinaniniwalaan, ngunit hindi patutunayan. Isisilid sa mga tradisyong inimbento lamang ng mayroong kakaibang pakikipagkapwa. Doon lamang mapagtatantong ang kakaiba'y nakasalalay sa kung sino ang may hawak at kung sino ang may tagay. Paiikut-ikutin ang salaysay. Tutumba ang malalasing. At sa pagpatak ng huling hudyat, may ngangawang sanggol ang isisilang.

06 April 2019
Ngayon lamang yata tayong nagkatapat. Nakakapanibagong pakiramdam. Hindi naman sa ayaw ko ngunit may kung anong kumukuwit sa aking mga kilos. Mayroon akong mga nais pang patunayan, ano pa nga ba ang mga balak? Nariyan ka't ubos na ang aking mga pakialam. Sa bawat tagaktak ng aking hiya'y may pagkalampag pa sa aking dibdib.
Naisipan kong magpahele nang masapian na lamang ng kakaibang atupag sa kabila ng lahat ng panggugulo ng aking isipan. Sa bawat sulyap ay may sunud-sunod na nakakahiyang iwas nang hindi mapaghalataang hindi ko pa rin nais huminto. Palalampasin ko lamang lahat ng pagkakataon hanggang sa makilala ko nang husto kung bakit nga ba ngayon lamang tayo pinagtapat.
Wala naman ako sa wisyong magbago, nariyan ang matalas. Sa kabila ng pagtahak ko tungo sa kamuntikang kamatayan at kalkal, paulit-ulit akong magpapasyang napasaya lamang akong hindi magsisisi. Mahaba pa ang aking lalakbayin, malayo pang muli tayong magtatapat. At sa pagkakataong malaya pa ang pagbati ng buwan sa umaga, nawa'y magsalubong ang kanilang mga ngiting hindi ipasisilay kanino man.

05 April 2019
Nasa puso lagi ang kirot. Masasanay ka ring limot ang dangal. Sa panibagong mga pahinang aakay sa iyong pagtanda, asahang ang pagpapasya'y isasabit na pati ang mga sandaling nilalampasan lamang kadalasan. At sa mga sandaling ito rin aakalang hindi na muling makilala ang siyang sarili. Kung sa ganang ganito nang mag-umpisa ang bawat umaga'y ipagpasalamat na lamang din ang bawat higanting presensya at aliw ng buhay.
Malimit ang pagtatanggol, likas na mangingikil tungong paalamat ang kutitap sa iyong mga kamay. Walang dagliang makapapansin ngunit wala rin kung sa bisyong may pagpapahinto. Dala-dala pati nito ang mga ikinalulugod lamang ng mga hindi pinagtibay ng panahon. Magmumukha lamang agawan ng ensayo ang lalampas kung sakali mang sumimple't dumagsa ang mangilan-ngilang pagdaragdag sa mga pagtingalang kampante.
Kalmado lamang sila, at ikaw'y kukuruting muli sa puso. Magpairap kung magpapairap. Nakasakay rin naman silang katulad mo. Sa biyaheng ito na kaunti na lamang ang marunong magpatawad, kaibigan ng mga trumpeta at bulaklak ang siyang palaging maiipit sa daan. At sa iyong paisa-isang hakbang pabalik sa pag-ibig, luluwas kang panibagong hangad sa pagitan ng mga kalugud-lugod.

04 April 2019
Alamin ang pagmamay-ari ng hindi nakasanayan. Tila mayroon na namang nagkamali, ngunit wala sanang mangangamba. Ang katangahan ng isa ay maaari namang katangahan pa rin ng iisa at iisa lamang. Siyang umasa'y pagpapakintab lamang ng punyeta ka ba, nag-iisa ka lamang. Huwag kang manlalamang sa larang na hindi naman gamay ng iyong panyapak na arok at pekeng mga angas. Hindi naman kailanman tumalab ang gintulin hangga't may mamamayagpag na tagapagsalin.
Sige, pumasok ka, sa kawalan ng kay lapot. Huwag ka sanang magsising hindi papalibot sa tamang lila ang sampung apoy ng alibugha. Malabo na talagang may makaunawa ngunit may mga pumapalag pa rin. Sa bawat pag-akyat ng sa iyong kay lupit na tadyak ay maghari nawa ang kasuklaman ng reyna ng mga balat. Huwag kang matatakot, oo, hindi ito pakiusap, dahil sa bawat utos ng reyna ay kakalampag nang kahit sa mga himlay na umiwan sa talukap.
Magtitigil sa paggising ang maiiwan, may paglaya nang mainam. Ang alat ng mga pagtatangka ay ihahalintulad na lamang sa paghihintay. Walang makapagwawaring sumimpatya na naman ng pahinga ang mga ikinalulugod. Mabuti pa't matuto, saka ipakaramay nang wala nang titiklop. Hindi naman perpekto ang tagubilin ngunit marapat lamang na maging handa sa mga kutyang wala namang lalim kung humiwa. Nakakaawa lamang sa paningin.

03 April 2019
Putang inang 'yan. Kapagkagalit naman kung bakit nangyayari ang mga gayong bagay. Hindi pa ba't nagkakaroon ng nahuhulog kung nais mo lang malaman? Ituloy mo sa may malakas magnakaw kung gusto mo, huwag ka lang mandaramay. Wala naman akong maalalang ipinagkagawang kasamaan ay kapagkatakang may sinasalo akong pakulo sa aking dugo. Hindi ko pa naipadadanas ang magdilim ang aking paningin, at hindi ko rin sigurado kung kakayanin man. Malaki ang iyong binasag ngayong kuwentuhan ng mga tala kung kaya't saka mo na lamang ako kausapin.
Sa lilim ng malambing na buwan, sinira mo lamang ang mga pumaroong may dinadalang pasakit. Hindi lamang ikaw ang nahihirapan, hindi ikaw ang sentro, ano pa't walang sentro ang mundo ano man ang ipagpilit mo sa iyong kokote. Hindi mag-uumpisa ang mga liwanag kung hindi tatakasan ang dilim. Ang paggawa ng paraan ay hindi iniaasa sa pagbabasa at pangungutyang lahat ay may sala maliban sa iyo. Malabo ka, at malabo ka rin sa iyong sarili.
Iinumin ko ang huling tagay ng pakiusap dahil sa binasag na yaring nakakawalang gana. Sanay magpaalam ang mga mahilig mamaalam. Tumatanggap ng pagbabago ang mga huwad na ibinabanat ang paghalili. Wala namang masama kung ang siyang sinisira ay ang masasamang nakasanayan. Hindi naman iyon masama. Wala namang masama kung magbabago at hindi mamamalagi sa pagtatago sa likod ng ako naman, ako naman kasi ito.
Hindi ko maintindihan. Inintindi ko naman. Lumalabas naman sa iba't ibang pagkakataon. Ang parehong pinagkalapagan ay may sinusundan lamang na disenyo. Nawa'y una nang umiral simula ngayon ang pagkatao at sining kaysa lumikha ng aninong tumatapak sa iba pang mga anino. Magulo.

02 April 2019
Ako ma'y nagbibigay rin ng panahon kahit hindi hinahanapan. Kung magpumiglas pa'y dadako magpahanggang sa bahala na ang hangin sa akin, sa atin. Maraming tanong ang bigla na lamang sumipat nang hindi ka pa nakipagkataon sa akin. Ano pa nga ba't namamalagi pa rin ako sa daigdig na ito? Saka mo na lang ako tapatin kung kilala mo nang magpaalam sa iyong sarili.
Oo, oo na nga, ako rin ay nabubuhay sa mga palusot na araw-araw kong ibinubulong sa aking pamamayapa. Kung magkaroon man ng tutuligsa sa payapang nais na nais humalintulad sa 'king mga tambad, pasya ko na rin sana ang parangal sa mga hindi iyo. Muli, paalam sa iyong sarili.
Sulit ang yumuko at humingi ng panibagong hangad. Hindi naman sinabing magaan sa pakiramdam ang mag-imbak ng bahong sumasampal din naman sa iyong araw-araw na pagbangon. Suwerte ang mga tunay na umiibig, maging nang kahit hindi sa sinisintang sinuyo, tungo rin sa mga kulay na madalang magbalik ng malasakit. Magbalik at patunayan, subukan nang magbukas. Paalam na, pakiusap, magpaalam ka na sa iyong sarili.

01 April 2019
Sikaping makabawi nang agaran sa mga pakislap niyang kumakarayom. Hindi ka naman nag-iisa. Hindi naman din maling umibig. Ang 'di wasto'y hindi na makabalik sa tahanang sarili. Huwag sanang makalimot sa mga nakasanayan nang gawain, sa muli't muling magpapaalalang panandalian lamang ang isang kislap.
Ang mapalayo'y hindi pag-iwas. Marapat lamang makita ang pagkasira at muling pagkabuo nang hindi nagmamalabis. Kung sakali man, tuluy-tuloy ang magiging usad. Pangunahan man ng kaba't may magpaparatang ng kahibangan, hindi ibang katay ang maghahanap ng mga sagot para sa iyo. Siyang magsikap nang ang pagbawi'y hindi dumulas sa iyong mga palad.
Singkalat ngunit ang wala namang mawawala sa iyo, at iyon ang totoo. Walang ibang maaaring mangyari sa iyo kung hindi ang sumipat nang paulit-ulit nang hindi sinasadya, at iyon ay sa tingin ko, makabubuti, makabubuti bago pa man ikaw ay makalaya sa mga magbibigay ng pagbadya. Sa huli, ikaw lamang din ang makapagsasabing kasalanan mo lamang ang lahat ng iyong sinapit.

31 March 2019
Huwag magmamadali, lalong huwag
magkukumpara. Kadalasa'y nagiging malapit lamang ang isang tantya kung
nalalaman at nadaanan na ito noon pa, ngunit ang mga bagong bagay ay
sadyang lulubos sa sariling pagbigay ng tawad at titindi sa pumipintang
pasensya. Walang nagbanggit na magiging madali subalit nararapat pa ring tahakin.
Ang iyong mundo'y mayayari lamang sa iyong angking pag-unawa. Hindi
maiiwasan ang matakot. Ang pagharap ma'y lalo pa't hindi rin maiiwasan.
Sa pabiglang mga himasok ng ayaw makiayon, asahang hindi kinakailangang
maniwala sa lahat ng katotohanan. Ang pagkilatis nang malalim ay
singhalaga ng katatagang kumikilala rin ng pagkatalo.
Sa pagtatapos ng ipinagkitirang pamamalakad ng iba't ibang bulaklak, nawa'y hindi malimutan ang lahat ng mga pangarap. Hindi itinatapon nang basta-basta ang mga ito, sana. Nawa'y hindi makalimutang lumingon sa kung saan binuo ang siyang pagkakakilanlan, at maya't mayang tumungo paunti-unti sa nais na makamit.
Sakdal ma'y maipong kay rikit. Huwag ipabatid sa manghuhula ang iyong panghihina. Makikiisa sa mga tagumpay ang salisi ng bawat alon. Aasa ang karamihan sa kanilang mga nakikita, gayunma'y huwag magpapatalo sa agos. Paganahing wasto ang mga nalalaman. Nasa mga pinakamaliliit na detalye ang siyang hahango ng iyong kapalaran. Mag-ingat. Hindi nagbibiro ang mundo sa tuwing tatawanan ka nito nang malakas. At sa may paghintay ng walang rikit na paalam, mamayani sana ang pag-uwi, ang siyang pag-uwi sa tahanan.

30 March 2019
Sa puhunan mong alaala, panay pa rin ang pagtatago ng iyong pagdidiing marapat lamang na hindi o sana'y makilala. Galit na galit sa mga huwad na tumitipa lang naman kung makarinig ng distansyang alok na hindi matatanggihan. Hindi maitatanggi mula sa kanilang mga sarili, hindi rin maitatanggi maging ng kanilang mga iniidolong kaaway. Muling magpapakilala sa anyong hindi gamay ang wika ng mga rebultong hindi naman sila binibigyang-imik. Kung sa bagay, ano ba sa tigre ang mapagkubling bubwit?
Sa mga sulok ng mga kinakalawang na alambre at basag na mga salamin, mangangamoy de rima ang ipinagkakaloob sa makakaaninag. Kakaunti lamang ang makakikita ng totoo 'pagkat ang paumpisa'y may hilig pa ring sumisid. Mas madaling palakpakan ang bawat sambit na nakapagpaparaya ng damdamin. Doon na lamang tumitigil, umiikot, tumitili, nagpapatihulog ang malalakas sumamba sa mga tumitirang hindi pa nalalaman nang wasto ang pinapasinayaang larawan.
Sa hiya, hindi nauubusan ang mga siyang nagpapahinga rin. Atat na mag-iipon ng mahahalagang kuno, at magtatago dahil sa kamalayang ukol sa balyahang pandigmaan dahil sa pagkakataong mag-umpisa nang biglaan ang sigawan ng mga palasak at gumaganti, lahat ng mga itinapong makabuluhan ay kusang magbabalik, iaangat, at lilitaw. Makikilala ng mga makina ang pagkagaspang muli ng kanilang mga ulirat, magkakaroon nang muli ng liwanag sa kadiliman ng usok at tanso, at makakikita nang muli ang mga isinasaisip lamang ng mga nasa tuktok.

29 March 2019
Nangangamoy na yata ang mga panibagong butas na aking pinag-iiwan. Matitigas pa rin ang malulutong na hangong hindi kailanman magpapabara. Mapapaikot ang mga magsisipagtipon nang maalala ang mga hindi na inaasahan pang himala. Kakarampot na pag-asa ang magsisilbing kumpyansa ng mga anak ng sinakop ng kadiliman. Wala pa ring natututong mamaalam sapagkat pangunahan ma'y makapipiglas pa rin sa hudyat na paulit-ulit lang din namang dumaraan sa aking harapan at gilid.
Hindi ko na kailangan pang pag-isipan pa nang malalim, maging sapat lamang na makatikim ng anyong matatawag nitong pagmamahal mula sa tumitibok nang tunay. Balewala ang mga nalampasan nang mga hardin ng paruparo na tumutuwang nakikpagpasiyahan sa ginaw ng hindi matapus-tapos na pagpapakulo. Pagkasuwerte ng mga naabutang gising pa ang katatapos lamang managinip. Sabik na sabik sa pagbating hindi iniayon ng tadhana ngunit pabor sa mga tala. Hayaan man ng ipinapitagang bantay ng pamamahinga, ang mawaglit nang ilang sandali'y hindi sana humiwang sugat bagkus ay luminang na kainggita'y bulalas ng makapansin.
Mangingiti ka rin, at mabuting alam ko, maski alam mo. Tatlo na lamang ang matitirang maaaring tahakin. Kung paurong man o susulong, tiyak na ang pagpapasya'y hindi nasa mga palusot nakasalalay. Bibigat o gagaan ang magpapatung-patong na mga araw, walang may kailangang magmadali. Ang bawat saglit ay lilipas, tandaang hindi kailanman umatras ang oras. At sa iyong bawat kabig ay huwag makalilimot. Bawat pagtanda ay pag-akap sa bangungot o pagpitik sa pangarap.

28 March 2019
Tayo ay nagtitipid sa ating mga lalamanin. Mamaya na ang aking mga kanan at kaliwa. Magalit ka na sa aking mga hindi na matatawaran pang mga pagpupunyagi at mamaya. Halika at kapag iba ang aking hinila ay mapapatawad mo ang aking mga putang ina. Patawad.
Dito mo ako sunduin, sa bango ng mga hindi kailangang sarap at kayamanan. Mamahalin kita, at hindi lalo sa kakayanan ng aking pagkamakasarili. Wari ko’y minamahal ko pa rin ang samyo ng malamig-lamig na pagyakap sa aking mga pisngi. Ikaw ang bahala sa akin.
Ikaw ang aking angkla, sa galit at lumanay ng kutitap. Gagalamahid ang tili kong tanging ikaw lamang ang makapagsasalba. Mahalin mo ako.

27 March 2019
Nanlilimahid na naman ang aking diwa. Gusto ko nang magpumiglas. Nasaan na ba ang mga pinakatatagong mga trapo at kalinga? Galit na galit na ako. Maya't maya na lamang akong mananaginip, naghahanap ng panibagong lunang mapagbubuntunan ng mga asong galit na galit ang pangil. Maglalaway ang mga ito sa bawat hampas at hagupit ng akala mo'y hindi na malilinlang pa ng langit. Wala nang makapapalag pa kahit sandosenang mapang-akit na buto at laman. Saka na muna ang sarili, mamaya na ang aming mga sarili.
Maliwanag ang liwanag sa dilim ng gabing nayon. Ang makakawala'y magwawala nang mawalan ng maaaring mawala. Nandiyan ang mga dumito, dodoon ang mga nandirine. Magsisipuluputan sa mga pula at asul ang iba't ibang alagang malumanay naman ang kagat. Magpapaikot ng mga kuwentuhang walang kinalaman sa paglubog ng araw. Sa tuwing sisikatan nama'y nakakapayat ng titig at tiwala sa aksyong manggagaling sa pinanghihinaang mamayagpag.
Ako na muna, kapatid, ako na muna. Bahala na muna ako sa mamayang maghahatid sa 'yo galing sa aliw ng pagmamadali at kabusugan. Mabuti't wala ka nang pinapakawalang respeto bagkus ay kinilala mo pang muli ang iyong kalma sa iba't ibang panunuri. Huwag kang mag-alala, ay sus, ako na. Huwag kang mabahala 'pagkat ngayon lang naman muli magkakaroon ng panibagong paglumanay. Basta't aakayin mo rin ako ay siyang oo nga, ako na, humimbing ka na rito sa akin, sa atin.

26 March 2019
Sa sigurong may mawala sa aki'y saka mo lamang ako mamahalin. Ako pa mismo itong magpapadausdos mahila lamang ang iyong walang saplot na pag-ibig. Ako ang iyong tanging iibigin sa dulo ng mga tagpo, sa preno ng mga tricycle na luma, sa lumilipad na mga jeepney sa kalsada. Hari-harian lamang ang mga naunang umupo sa trono ng pangkamatayang ibon at alapaap. Sa magdilirim nang kalangitan at nagsisilaglagang ipot, hahawakan ko ang iyong kamay pasulong sa ating piitan.
Hindi kita papakawalan hanggang sa pagsawaan mo na ang siyang pag-ibig. Ipadadanas sa iyo ang buhay ng pag-aalinlangan at galit na hinding-hindi maaaring pakawalan. Sa bawat pagpalag ng puso mong ligaw, ako ang sasalo sa aking palad nang hindi pilit na uunawa sa iyo, sa iyo na tanging ikaw, ikaw na tanging akin, tanging aking uunawain.
Lalabo ang mundo, magkakaroon ng panibagong mga talang magpapatingkad sa iyong mga umaga, sa mga ngiti mong ako lang ang hindi magsasawang hanapin. Magpapalitrato sa mga bagitong paaalalahanan natin kahit na hindi pa natin siya pang kilala ang tunay na pag-ibig. Tunay man ang ating hagip, tayo na lamang mismo ang lilikha ng ating sariling inunawang kilalang siguradong pag-ibig.

25 March 2019
Tumigil ka't ako ang siyang malilito. May kaakibat na pagpapaliwanag ang lahat ng aking masasagap. Kapag nag-umpisa na akong lumubog, huwag mo akong sisigawan, pakiusap. Naniniwala akong maaaring dahan-dahanin ang maraming bagay sa mundo, at maaari ring hindi lahat ng tao ay kapareha mong mag-isip.
Huminahon ka. Masyado na namang malayo ang takbo ng iyong isip. Madalas itong nagdudulot ng kunot sa iyong mga kilay at taas ng iyong magandang boses. Magpalamig muna tayo. Naturang malapit na namang magtag-init, nariyan ang yelo, ang matatamis, ang mangga, ang pakwan. Uminom ka muna nang maipahinga mo ang iyong nararamdaman. Magaan pa rin pati ang paglangoy ng mga ulap sa langit. Unti-unti itong sipsipsipin ng iyong diwa, ng iyong ikinikimkim na pagbabago.
May tamis naman pala sa iyong pinipigilan ding mga ngiti. Huwag mo itong pigilan. Tao ka rin naman at nagkakamali. Na naman ngunit nananatiling nayon. Kantyawan ma'y matibay pa rin dapat ang pagtindig. Matibay dahil totoo. Totoo dahil likas. Likas dahil ikaw ay ikaw, ngunit ako nama'y ako.
Tumigil ka't ako'y iyong nililito.

24 March 2019
Bad motherfucker! Hindi ka na naman umunawa! Ilang beses bang uulitin sa iyo nang makonsensya ka na? Hanggang saan ka na ba nadala ng pagmamagaling mo? Hanggang saan ka na naiangat ng iyong pagmamataas? Sa tuwing magkakaroon ng hiya ng takot at kaba, magkakaroon ka pa ba ng sariling antok ng ligalig? Tulungan mo ang iyong sariling magkaroon din ng panibagong hudyat sa mga paulit-ulit lamang naman na sitwasyon. Sa struktura ng mga nagdidikta ng kalidad ng pagyanig, papailalim ka nang magpaalam sa iyong mga panguna.
Magpaalam ka na rin sa mga lumang hindi na maibabalik. Ang maong na pinaglumaan, ang mga kuwintas na nanghihina na, ang mga papel at lapis na kinalimutan. Maging ang mga pambalot sa araw-araw ay hindi na napapansin. Nagiging kalat na lamang ng masikip mong kuwarto. Lalong dumidilim ang usok. Hindi na makapag-imbita pa ng mga bisita. Sa mga bagong himasok na sisilip sa mga puting pader, animo'y may karag-karag nang siklat ng pagnanasa at tamod.
Malabo na, malabo na ngang talaga. Iiwan ka na ng mga panyo mong may kulay at puti, pati na rin ng mga may kulay sa puti. Kalimutan mo na rin ang mga puti sa may mga kulay. Masasanay ka na sa mabagal na ikot ng mundo, sa mga luha mong paulit-ulit mong pipigilan. Lahat ay iiwas sa pagsusunod ng mga buhos ng paghuhubad sa ibabaw ng sahig. Malaya ka nga bang talaga?
Sige, malaya ka na.

23 March 2019
Dalhin mo ako sa dulo ng alak at anghang. Matibay akong kukutsaba sa karangalan ng mga karangyaan. Kailangang magkaroon ng sipag ng sampung elemento maging ng pagpapalipad sa ere. Huwag kang matatakot makipagtagisan ng tae sapagkat ang dulas ng kalinisan ay hindi makapagpupurga sa katangahan ng nagtatakutan.
Mabuti't nakapatay pa iyon.
Tititig na naman ako sa malayong galit at mag-iisip ng kakatuwang kalam. Buburahin sa aking isipan na ang pamimilit ng itim ay nangangalabit na naman / pa rin. Tutulin ang pagmamadaling mabilisan ang pagtatapos. Pipikit ngunit papalag. Ang bawat paglingo'y may pagsisilbi.
Mabuti't malaya na ako ngayon.
Babalik at mangangamote, ayaw nang tanggapin ang sarili. Makakatulong madalang ang paghiwalay ng balat sa karne. Pakukuluan nang dahan-dahan sa alab ng likhang yamot. Isasakatuparan ang gabi-gabing ritwal hanggang sa umepekto na ang paglaya. Kailan bang kakaibiganin ang bigat na ito?

22 March 2019
Parehas lamang tayong minangmang ng panahon. Kabit-kabit na mga talata. Tinalagang mga pagpapayukong uto, hindi na malagkit ang iyong kapalaran. Bawat saglit ay sagisag ng hindi makatarungang pagbagsak sa mga maaamo. Hindi mo sila kakayanin. Malaya ka lamang na tunay kung maaari nang makihigop ng serbesa.
Mainit na sa ngayon ang pagtanggap, kakaliskis ang buhangin sa mga papikit nang mga siklab. Malabo ang tanyag ngunit may pag-ibabaw sa malalandi. Magagalit ka sa mga may husay kumontrata sa dilim, at ang sarili'y may sarili nang pagkaako.
Saglit lamang tayong magmahalan, malapit mo na rin akong itanggi. Hindi naman kita masisisi. Sa pahapyaw mong pagpaalalang ang mga tala ay nahuhulog pa rin pala, laking pag-alay ko sa iyong iganti ang silaw ng aking hindi mapapawing gutom.

21 March 2019
Kartolina at kaunting barya, hindi mo na kami kayang hamunin ng napapanot mong kaluluwa. Takot ang lahat sa iyo, at kami ma'y may pagpigil ng kakulangan. Sa masisikip na linya ng aming kuwaderno't pigang-piga nang mga pawis, magkakaroon ng obrang minarapat na ipamalas. Kaarawan ng mga hindi pa nabibinyagan, magkahawak-kamay kaming nagdudulot ng pagpiglas sa kawalan.
Ang lumikha ng ibang kulay, iyon ang dapat na manggulat sa mapungay mong irita. Hindi maidaraan sa magandang umaga at paalam sa iyo. Magtatagisan ng galing ang magkakaibigan, lalampas sa limitasyon ng lampara at langis. Lilinanging layo sa lamyaan ang linaw na nililimos sa lahat. Lirikong lakbay, lantay na lente, lalamang ang labis, at lalatay sa letse ang liliko. Liliit ang litru-litrong luha sa likod ng mga litratong larawan ng lihis, lintang lilindol sa liwanag ng lirim at lilim.
Walang alintana sa pag-aabang ng milagrong may hahalik sa kaliwa at sa kanan. Makakalendaryo ang hinagpis sa saranyaang hindi mababaliko ninuman. Aantukin ang iyong mga gilagid, gagaspang na naman sa iyong sariling pisara. Magbabato na naman ng tanong na may paglibak sa aming kinakaya. Paalam pa rin, paalam. Ang pagtango ay hindi kailangan bagkus, paalam, paalam. Ang pag-alala ay may sandig sa hinahon. Ang pag-alala'y buto't balat ng mga paniking lumilipad-lipad sa nagmamadaling-araw.

20 March 2019
Kargada ng 'di karaniwan ang kiliti ng komedya. Huwag kang pagkapikon. Ultimo pati pagkabanas ay siyang 'di pinaaatras. Mahina ang loob ng kalumpit ng pinyahan. Sa mga hindi inaasahang pagsuntok ang may siyang kay aya ng paglutang at yakap sa langit nang marangal at payapa. Sa bawat pagbigkas ng mga inulang mga pangarap ng hindi kasiguraduhan, mas maigi pang kumain ng laslas ang mga napag-iwanan na ng tunay na panahon.
Inuumpisahan ang mga dutdot hanggang sa lumumanay ang tiyempo. Hindi maikakait na ang buwan pa rin ang siyang may dala-dala sa okasyong panghimagsik ng damdaming hindi nagsasalita. Paiiyakin ka lamang ng mga inaantok, hihikab ka lang sa mga tawanan. Lahat ng iyong palalampasi'y pagsisisihang may guhit sa lalamunan. Maiiwan kang pinupulutan ng madla, saka mo lamang mapagtatantong ikaw lamang ang naiwang lasing sa ilalim ng mga bumbilya. Maging ang mga kasama mo'y magtataka sa inagaw na katangahan. Tanging makapagsasalba lamang sa iyo ay ikaw, ikaw na mahina ang mga mata at pinagagana lamang ang utak.
Sa taba ng mga pares at lalim ng ginhawa, marapat lamang na magpatingkayad ang mga maaamo. Hindi na baleng umulit-ulit ang pagsangguning salungat, tipong katiting ang makapapansin sa ganap ng hindi umuusbong na mga paruparo sa hardin. Mabango ang kislap ng pagbibigyang lumusot, gaganting may kakaibang hiwaga ngunit ngiting kay hirap mo palang pakawalan kung minsan. Masiyahan ka, at alam mo iyon. Huwag magpapatalo sa pintas kung pakawalan. Pag-isahin ang matagal nang hiwa-hiwalay. Ang kalungkuta'y nariyan at tunay mo pa rin namang kaibigan.

Subscribe to:
Posts (Atom)