Napakaipokrito mang sabihing pinag-iisipan ko
ang lahat ng aking mga gagawin, tulad ng nabanggit kanina, ngunit napakataas
pala ng aking stress level ayon sa isang papel na aking sinagutan! Siguro nga,
totoo, na napakataas minsan ng kumpiyansa ko sa aking sarili kung kaya’t
natutulak at naiipon ang lahat ng aking mga kailangang gawin. Lumiliit ang
buhangin ng panahon ngunit lalong tumatarik ang kailangan pang akyating bundok
ng responsibilidad. Nasanay na ang katawan ko simula noong nasa mataas na
paaralan na gawin nang isang bagsakan ang mga bagay dahil yung mga mas tamad
kong kaklase ay pumapasa pa rin. Para bang tinamad na rin akong magpursigi sa
mataas na grado’t hindi ko naman talaga hinangad na magpapansin talaga ng
medalya. Ni hindi ko namiss suotan ng medalya na nakasanayan ko naman noong
nasa mababang paaralan. Maaga ko nang natanggap sa sarili kong mataas ang
kakayahan ng lahat ng tao’t nasasayang lamang ang mga ito kung tatamarin silang
lahat, pero pumapasa pa rin nga yung mga mas tamad kong kaklase. Nawalan na ng
sense sa aking umabot ng mas mataas kahit na iyon ang gusto ng napakaraming
magulang, kahit na natutuwa pa rin silang diploma lang ang iaabot ko sa kanila.
Pero bakit nga ba, ayon sa papel na aking sinagutan e, stressed daw ako? Like,
oh, my gosh, why? Siguro kasi, naroon pa rin yung konsensya sa mga magulang
kong nagpaaral sa akin ngunit hindi nila nakikita nang malinaw kung ano nga ba
talaga ang ginagawa ni Mart sa UP. Mahirap bigyang-liwanag para sa kanila kung
kaya’t sinusubukan ko pa rin namang ipasa ang aking mga asignatura. Hindi ko
minsang inihanay ang aking sarili sa tipo ng tamad na wala na talagang pakialam
bagkus hanggang sa hanay lamang ng may pakialam kapag panahon na talaga ng
talagang-talaga. Kung tutuusin, yung mga walang pakialam pa nga yung may
mababang stress level at sa ngayon… ko lang din napagtantong magandang bagay
palang naiistress ako.
25 June 2015
11. Studies
Bago ako mag-aral, nililinis ko muna ang aking
buong kuwarto. Kaysa na ipalusot ko pang procrastinate time din ang paglilinis
ng kuwarto bago mag-aral e gusto ko lang ding maayos tingnan at singhutin ang
aking kaligiran habang ako’y nagbabasa o nagsusulat. Nagsusulat din ako minsan
ng reviewer kapag marami masyadong kailangang kabisahin at minsan pa’y
inaupload sa mga grupo (kung mayroon man) para makatulong (at makapagyabang!)
sa aking mga kaklase. Mahalaga sa akin ang mga susing salita’t madali akong
nakaaalala kapag iyon lang ang inalala ko. Kumbaga, sa isang salita, isang
parirala, isang konsepto, marahil ay maaari ko na itong pasimulang ilahad nang
mahaba-haba’t may panahon pa para mag-isip sa mga susunod pang tanong. Nagkakape
rin ako bago at habang nag-aaral bilang pampagising. Hirap kasi akong mag-aral,
at hindi ko pa rin ginu-Google kung bakit, kapag may liwanag ng araw. Iyong
tipong may gana lang akong mag-aral kapag gabi. Siguro kasi, iyong tipong
malinis na kapaligiran sa akin e malinis na talagang walang taong gising. Hindi
rin ako kumportableng magsulat nang may maingay o may gising na tao, o may
gising na taong tanong nang tanong, nakikipag-usap pa rin kahit nakikita na
akong nagbabasa o sisilip pa sa akala nila’y obra ko nang kinakatha. Hindi ko
rin kayang mag-aral nang may musika pero kaya ko namang magsulat minsan kapag may
classical na tumutugtog na piyesang piano ang instrumento. Madali akong
madistract din kapag may internet kaya hindi ko kailanman piniling mag-aral sa
bahay namin sa Cavite sa tuwing umuuwi ako, kahit pa alas tres nang madaling-araw at ako na lamang ang gising, payapa, at mabilis nga kasi yung internet,
wala na naman akong matatapos niyan, sorry. Madalas akong magsimula 2-3 days
before ng pasahan pero sinisigurado ko namang hindi ganoong kapatapon ang aking
inaasam na resulta. Iyon nga lang, minsan, kapag kinasarapan ng antok at yakap
ng comforter sa paggising sa ginaw ng ulan at suspension na inaabangan sa TV, magpoprocrastinate
na naman si Mart hanggang sa kahit tres ay madaplisan niya man lang.
12. The Five Love Languages Test
Sa unang bahagi, yung bahagi tungkol sa
significant other, ang pinakamataas kong nakuha sa aking pagsagot sa panibagong
papel ay Physical Touch. Hindi ako malibog I swear pero yung pinakamaliliit na
bagay, halimbawa, na hawakan ng girlfriend ko yung buhok ko e ramdam ko nang
mahal niya ako. Kahit masahe lang na walang ingay, okay na para sa akin. Okay
lang din sa aking magkatabi kami, sa track oval, sa ilalim ng liwanag ng bilog
na buwan, habang nakatitig sa mga puno’t alitaptap, at hindi kami nag-uusap.
Walang usap-usap, basta’t ramdam ko lang na katabi ko siya, nakapatong at nakayakap
sa akin, kumpleto na para sa akin iyon. Dagdag pa rito, 0 points ang nakuha ko
sa Receiving Gifts. Hindi naman sa hindi ko naaappreciate ang mga ibinibigay sa
aking mga regalo, nagreregalo rin naman ako, pero parang, para sa akin, okay,
sobrang okay lang din naman para sa akin kung wala talaga. Sa sumunod na
bahagi, Words of Affirmation naman ang nakuha ko para sa aking mga magulang.
Siguro kasi, madalas akong nasa paaralan at parati rin silang nasa opisina. Miminsan
na lang talaga, nakalulungkot talagang isipin, kaming magkita kung kaya’t kahit
walang pasalubong, basta’t may boses at pagkalingang kantsaw na akong marining,
masaya na rin ako para sa relasyon namin. Dagdag pa rito ang pagiging OFW ng
aking tatay kung kaya’t boses niya lang talagang literal ang puhunan sa
pagkakakilanlan namin sa bawat buwang nagkakalayuang hindi naman talaga
nagkakarinigan.
13. Multiple Intelligence Test
Anim ang nakuhaan ko ng 10 points mula sa papel
sagutang ito: Musical, Logical, Existential, Verbal, Intrapersonal, at Visual.
Una sa lahat, nakupo! Hindi ko talaga matanggap! Hindi naman ako galit at
natawa pa nga ako dahil binobola lamang ang mga papel na ito. Niloko pa akong
may musical at visual strength ako e gusto ko lang naman silang nakikita at pinakikinggan.
Totoo naman yung mga isinagot ko sa bawat tanong pero bakit sampung puntos
(pinakamataas) pa rin ang ibinigay sa akin ni papel? Siguro, kung may iba pang
mga tanong e mababa na talaga yung makuha ko o kaya’y talent test na talaga ang
usapan at hindi kumakausap na papel kundi kumakausap na tao ang sumubok sa
akin, marahil ay bumagsak pa ako hanggang sa dalawa o magpahanggang sa isang
intelligence na lang. Sa huli, masaya pa rin namang tanggaping wala akong
ganoong kapakialam sa kapaligiran at kalusugan ng muscles at bones ng aking
katawan, sa kanilang mga kakayahan, kahit na enjoy namang magbadminton at paminsan-minsang
pamumulot ng balat ng candy sa daan. Nang makita ko rin ang mga resulta’y
inisip ko na ring mag-ensayo pa para sa klasikal na paggigitara ngunit hindi ko
na minarapat pang tahakin ang pagguhit. Ni matinong puno, para sa aki’y mahirap
nang gawin.
14. House-Tree-Person Test
Gumuhit ako ng bahay na makakapal ang linya.
Ibig sabihin daw noon ay may kumpiyansa sa sarili. Simple lamang ang ginawa
kong bubong para sa aking bahay, at ang ibig sabihin naman daw noon ay wala
naman akong masyadong pinapantasyang mangyayaring kakaiba sa aking buhay. May
mga inilagay naman akong bintana at pinto at dahil daw roon ay open naman ako
sa maraming bagay. Sa bahaging puno naman, heavy lines at manipis ang aking
pagkakaguhit ngunit nang basahin ko na ang interpretasyon e sumasalungat sa
kung ano ang sinasabi ng aking bahay! Maaari kaya itong senyas na may mali sa
test na ito o mayroon akong bipolar tendencies? Minsan pa rin bang hindi ko pa
rin kilala si Mart? Mahilig din ako sa maraming bagay at pupuwede ko rin naman
sabihing nagsasawa rin naman ako, at napapagod. May mga dahon naman sa aking
puno kung kaya’t, ayon pa rin kay papel test e okay na rin namang may nangyari
sa mga nais tumulong sa akin, na totoo naman. Wala naman akong mabigat na
hiningi sa mundo at willing din naman akong gawin pa ang mas mahirap na ginawa
nila para sa akin. Taong stick lang yung ginuhit ko na may hawak na saranggola
pero siyempre, sinilip ko pa rin yung pagkilala sa akin ng papel. Open arms
naman yung pagkakaguhit ko na open din naman daw ako sa mga tao, na totoo
naman. Sa bahaging bibig naman ay saradong (nakangiti naman) labi ang aking
iginuhit at sinasabi ng papel na may denial daw ako sa mga gusto ko talagang
makamit sa buhay, na sumasalungat na naman sa aking wala naman akong hininging
mabigat sa mundo. Unless gustong makipag-usap ni Universe sa akin tungkol sa
pagpapatalsik ng kalam sa loob, why not.
15. Career Pathway
Investigative, Social, at Conventional ang aking
mga nakuha mula sa RIASEC test na pinasagutan ng aming guro. Bilang sigurong
isang frustrated na manunulat, okay na rin naman para sa aking nag-iisip nang
madalas, at maging kritikal sa pamamalakad ng mundo. Mahalaga iyon para sa
akin, iyong makakita ng mga bagay na hindi nakikita madalas, o hindi nakikita
at all ng tao. Tinatanggal ko ang aking sarili sa mundo’t sinusubukang maging
multo para lamang makapag-obserba nang mas malalim at makapag-isip nang mas
kritikal. Hindi ko iyon ginagawa, bilang isang tamad na manunulat lamang at magrereklamo
lamang sa mga jejemon at iba pang mga batugang tulad ko. Ang tungkulin ng isang
manunulat ay magbigay ng panibagong lente sa maraming mamamayang kanyang
sinusulatan para kanilang tunay na malaman kung ano na ba talaga ang reyalidad.
Galit na galit talaga ako sa media dahil hindi naman totoo ang lahat ng
kanilang mga ipinakikita. Madalas, pambobola at walang kamatayang nainlab si
Mahirap na Babae kay Hacienderong Mayaman at malalaman nilang magkapatid pala
sila pero hephephep! Ampon lang pala yung isa at magkakatuluyan pa rin sila.
Hindi naman masamang piliting may ligaya sa reyalidad pero ayokong ginagawang
tanga yung kapwa kong mga Pilipino. Pero anong magagawa ko? Takot nga palang
magpalimbag si Mart dahil takot siya sa mga pulang marka ng kanyang magiging
mga editor at publisher. Minabuti niya na lamang tahakin ang landas ng pagiging
isang guro at baka makahawa pa siya ng kanyang thinking patterns sa boring na
mundo’t makapagbenta pa ng maraming libreng salaming sobrang nakapagpapalinaw
ng mata.
16. Puso
Sinulatan ko ang aking sarili. Si Past Mart,
precisely. Sobrang tamad kasi niya. At galit na galit ako sa kanya dahil kay
Future Mart niya naman iniasa ang lahat, ang kanyang bundok na naman ng
responsibilidad. Pinaalalahanan ko na lamang siya, matapos pagalitan, na
magsipag-sipag naman siya minsan, kahit sa susunod na semestre, para magkaroon
naman kami ng pantay na responsibilidad. Hay nako, Past Mart, alam ko namang
iniisip mong mahihirapan ako, at ako na naman pero hindi sa lahat ng
pagkakataon sa buhay e magpapakasasa na lang parati. Subukan mo naman din lang
mahirapan, kahit isang gabi lamang na nagsusulat, at nag-aaral, bilang malasakit
na rin sa lahat ng ginawa, bilang ganti sa mga ibinuhos na pawis at stress sa
iyo ni Future Mart. Nagmumukha tuloy part II ng liham ko ang repleksyong ito sa
sobrang galit ko sa iyo.
17. Sino Ka na Pagkatapak Mo ng UP?
As usual, nahirapan na naman akong gumuhit o
kung anuman. Sa huli, gumuhit ako ng isang buto sa ilalim ng lupa ngunit may
nakasibol nang mga dalawang dahon. Hindi pa rin ako buo, kumpleto, hilaw pa, at
kailangan pa ng maraming sustansya kahit pa sabihin nilang, “Uy, naks! UP!”
Kung alam lang nila. Hahaha. Mahirap mabuhay nang akala ng maraming tao sa iyo
na matalino ka. Mahirap ding magpanggap na matalino. Pero masarap
magpakakritikal sa bawat dumadaang kotse sa harap ng iyong bahay. May dahilan
pa rin kung bakit ako narito, ipinanganak sa Pilipinas, at ang UP, bilang
ehemplong nagturo sa aking huwag na munang isipin ang aking sarili pero unahing
isipin ang bayan, ang siyang patuloy na dumilig sa aking mumunting buto’t
nagpatubo ng mumunting dahon lang din ng karunungan. Aasahan ko na lamang ang
aking sariling hindi ko malilimutan ang lahat ng aking natutunan simula noong
tumapak ako sa napakamasalimuot na kalayaang ito. Malayang mag-isip ngunit
nakakukulong ang mga ideyang pumapasok. Nakakulong ang maraming tao sa kawalan
ng edukasyon at mahirap na ring sabihing kaya pa rin ng mga taong itulak ang
lahat ng mga kontra-ideolohiya nila laban sa mga nahaharing uri. Hindi na dapat
ako matakot ni mahiya at alam naman lahat ng tao, maging ni Mart, na walang
mali sa mga sinasabi ko. Dahil tanggap niya naman, ng aking sarili, na
pagkatapos kong kilalanin ang aking identidad, panahon na para baguhin ang
pagkakakilanlan sa tunay na mamamayang Pilipino.
30 April 2015
Sa mga Umagang May Kaligtang Kape
Hindi
ko naman na kailangan ng alarm.
Kinahiligan
ko naman talaga nang gumigising, sa umaga. Makailang ulit ko na ring naipaalam
sa ’yo, at sobrang tagal na, na ano pa bang makatatalo sa mga pagkaing
pang-almusal lamang. Ilang beses na nating napag-usapan yung tungkol doon, at
maraming beses na rin tayong nakapag-almusal, tanghalian, hapunan, meryenda,
yosi, kape, at alak.
Sabay tayong magkakaroon ng makahilu-hilong hangover pero ikaw na lamang ang madalas na makaaalala kung anong nangyari sa atin sa isang gabi. Kung anu-ano mang bigkasin ng bibig kong barumbado lang kung mag-isip, malabo, at walang konsensya, majikero pa rin talagang tunay yung alaala mo sa lahat ng mamutawi nang kinagabihang iyon. Para tuloy akong bata sa tuwing napahahanga mo ako.
Sabay tayong magkakaroon ng makahilu-hilong hangover pero ikaw na lamang ang madalas na makaaalala kung anong nangyari sa atin sa isang gabi. Kung anu-ano mang bigkasin ng bibig kong barumbado lang kung mag-isip, malabo, at walang konsensya, majikero pa rin talagang tunay yung alaala mo sa lahat ng mamutawi nang kinagabihang iyon. Para tuloy akong bata sa tuwing napahahanga mo ako.
Hindi
ko pa rin maperpekto yung itinuro mo sa aking pagsangag ng kanin ni pagprito
nang maayos sa itlog. Kay aga-aga, sinisira ko yung mood ko sa bahay. Magluluto
na lang ng itlog base sa inihain mong instructions dati sa akin, hindi ko pa
rin magawa nang lubos. Papaano kasi, sa tuwing magsasalita ka na lang, ang
naaalala ko na lang parati, yung boses mo, yung kung paano kang magsalita,
tapos sisingitan mo pa ng English.
Minsan, Tagalog yung sinisingit mo. Hindi ko na rin maunawaan masyado kung gaano kakomprehensibo sa aking mata at tenga yung kung gaano ka kacute, kung gaano mo kaaraw-araw na pinapaalala sa akin na ikaw lang talaga yung kumukumpleto sa bawat paggising at pagtulog ko, sa kakornihan ng existence ko.
Minsan, Tagalog yung sinisingit mo. Hindi ko na rin maunawaan masyado kung gaano kakomprehensibo sa aking mata at tenga yung kung gaano ka kacute, kung gaano mo kaaraw-araw na pinapaalala sa akin na ikaw lang talaga yung kumukumpleto sa bawat paggising at pagtulog ko, sa kakornihan ng existence ko.
Hindi
na tuloy sigurado kung nabuo ko na nga ba yung almusal na gusto kong ibigay sa ’yo.
Okay na siguro ito. Okay na rin siguro. Sinara ko na yung kalan at kumuha na ng
dalawang plato para maihain ko na rin yung “niluto” ko.
Binalikan na kitang muli sa kama.
Binalikan na kitang muli sa kama.
“Bangon
na.”
Tapik.
Isa
pang tapik.
“Bangon
na, baby.”
Magtatalukbong
ng kumot.
“Unnngggh…”
“Babyyy.”
Ito
na lang din siguro yung isa sa mga bagay na hindi na mawawala sa ’yo. Kay hirap
mong gisingin! Since liek, forever.
Liek.
Makakapagtimpla pa ako ng ikalawang tasa ko ng kape’t kalahating yosi para lang makabalik sa ’yo nang limang beses at bumangon ka.
Pero minsan, para rin akong tanga. E kasi, kinakalaban ko rin yung sarili ko sa umaga dahil gusto ko talagang tinitingnan yung mukha mo habang natutulog ka. Again, yes, cliché pero hindi na rin ako magsasawa sa ganoong pakiramdam, kahit na paulit-ulit ko nang pinaaalala sa sarili kong ang krony ko mag-isip.
Liek.
Makakapagtimpla pa ako ng ikalawang tasa ko ng kape’t kalahating yosi para lang makabalik sa ’yo nang limang beses at bumangon ka.
Pero minsan, para rin akong tanga. E kasi, kinakalaban ko rin yung sarili ko sa umaga dahil gusto ko talagang tinitingnan yung mukha mo habang natutulog ka. Again, yes, cliché pero hindi na rin ako magsasawa sa ganoong pakiramdam, kahit na paulit-ulit ko nang pinaaalala sa sarili kong ang krony ko mag-isip.
At minsan ko na lang ding isiping sinasadya mong huwag bumangon para lang mainlove pa rin ako sa ’yo araw-araw.
Minsan na lang siguro yung mga gano’ng, ano ba, kamangmangang humingi ng kapayakang hiling? O mag-isip ng painosenteng assumptions? Tumigil na rin kasi ako sa paghingi ng kung anuman kay Universe e.
Pero kahit yakap na yakap ko na yung ibinato niya sa’king reyalidad, at kung sakali pa rin naman, ako na'ng aakong maging fairy na babalik-balikan ka sa kung ano'ng wishes mo. Inaasahan ko na rin naman nang hihiling ka nang maraming-maraming beses pa, ng kung anu-ano. And izzokay, kahit makailang ulit pa.
Nakailang
upos na ako ng Pall Mall. Pabalik na ako sa kuwarto’t
wala ka na pala sa kama. Hinanap kita, syempre hindi sa banyo. Hindi rin sa sala. Nandoon ka lang naman usually sa kung saan ko na rin inihahain araw-araw yung almusal mo.
Diyan, sa dining table. Hindi ko rin alam kung bakit nakahiligan mong tumambay diyan dati. Diyan ka madalas magyosi. Diyan ka minsan nagsusulat, kasi malapit sa pagkain.
wala ka na pala sa kama. Hinanap kita, syempre hindi sa banyo. Hindi rin sa sala. Nandoon ka lang naman usually sa kung saan ko na rin inihahain araw-araw yung almusal mo.
Diyan, sa dining table. Hindi ko rin alam kung bakit nakahiligan mong tumambay diyan dati. Diyan ka madalas magyosi. Diyan ka minsan nagsusulat, kasi malapit sa pagkain.
Diyan
din tayo minsan umiinom. Tingin mo siguro kasi, kaysa makagulo sa’king isang
buong ash tray yung sahig e smaller version na lang ng ash tray (na
pagkalaki-laki pa rin) yung dining table. Never ka na rin namang nahassle kasi
mas okay namang magpunas ng mesa kaysa magwalis.
Hindi ko na nalaman kung bakit, kung ano ba talaga. Hindi na rin ako nagkaroon pa ng pagkakataong magtanong.
Hindi ko na nalaman kung bakit, kung ano ba talaga. Hindi na rin ako nagkaroon pa ng pagkakataong magtanong.
“Kain
na.”
“I love this table!” ang tamis pa rin ng ngiti mo.
“Bakit?”
“Do
you smoke, Jamie?”
“Martin, baby,” hanggang ngiti na lang ako. Hindi ko na rin piniling magbuntonghininga. Hindi sa pinipilit ko pero ayaw kong nakikita mong naaawa ako sa ’yo, which is, hindi naman talaga ako naaawa sa ’yo. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ‘to pero ang pangit lang na pakiramdam para sa akin siguro na maawa.
Kung papipiliin pa ako e mas tatratuhin pa kitang isang deity, isang diwata, by any means, kung kaya pa sana ng magic, gagawin ko. “Jamie’s our son.”
“Aww
wala pang tumatawag sa akin ng baby. You’re so sweet! Kanino mo namana ‘yan?”
Kumuha ka na ng isa sa mga itlog na pinrito ko. Hindi mo na ako kinukutya.
(Hindi ako sanay.) Tapos, isang sandok ng fried rice.
“(Sa ’yo,
actually). Masarap ba?”
“Oo?”
Hindi
ako sanay.
“O, pa’no? Maya-maya lang, darating na si Ate Myrna para tumulong sa 'yo. Papasok pa
akong school.”
“Sino yun?"
"YUNG-, best friend mo, right?"
"Teacher ka?”
“Sino yun?"
"YUNG-, best friend mo, right?"
"Teacher ka?”
“Yes, baby. Bye,” and then I kissed your forehead.
Hindi
pa rin ako sanay kasi,
gusto
ko sa mga labi mo kaso, madalas ka nang umiwas. Minsan, iniisip kong mahal mo pa rin
ako kasi may ganti ka nang,
"May
asawa ako, okay. Sorry."
"Bye,
baby."
"Last yosi?"
"Bawal ka na magyosi, baby."
Hindi pa rin ako sanay.
Hindi pa rin ako sanay.
“Aww
wala pang tumatawag sa akin ng baby. You’re so sweet! Kanino mo namana ‘yan?”
Hindi
pa rin ako sanay.
Lumabas
na akong pinto. Lumingon na ako't nagpaalam nang muli,
"I love you, baby."
Silence.
Hindi pa rin ako sanay.
01 April 2015
Kim
Muli siyang bumangon sa kinahigaan
Madilim at bagong mulat ang mata
Ngunit tila lumang senaryo pa rin ang
Gumising na naman mula sa kanyang kamang
May kumakapal nang mga agiw ng
Alaalang kay hirap nang walisin ni punasan ng kahit ano
pa –
Ng sabon, ng sarili, pawis, luha, suka
Bagong mulat ang mata
Ngunit nakabaon pa rin ang bungo
Sa unang hindi na kailanman lalambot pa
Pagpagin man, ibilad sa araw
O palitan ng punda
Bagong mulat ang mata
Ngunit binabalot pa rin ng sariling kahon
Ng kumot, pansariling kasikipan
Di na makakilos,
Di na makapag-isip
Mula sa bagong mulat na mata
Liwanag na lamang ng kandila
Ang natatanaw
Siya ring natutunaw
At naghahatid hapdi sa sariling
Unti-unting nagpapaalam
Sa bawat ningas ng kanyang alab
Sa bawat ningas ng kanyang alab
06 March 2015
Blue
Gumising
na ako. Alam ko, yes, alam ko na kung bakit ako gumising, bumangon. Bumangon
ako kasi alam kong nangangatal na naman yung mga hindi ko gustong yosi na yan.
Alam kong ayaw ko nang magyosi pero gusto ko pa rin. Ginugusto ko, madalas,
paggising, magyoyosi na lang ako. Tapos puro pag-iisip, pag-uusap na lang ng
buong mundo yung gusto kong makita. Galit pa rin ako sa mundo kung kaya't
pinili ko na lamang na sirain lahat ng pupuwedeng sirain. Tulad ng ganito. Sira
ka ba, Martin? Sirang-sira ka naman talaga. Pero walang ibang nilalang ang
makapagsasabi sa 'yo na sira ka, na sirang-sira ka. Ikaw lang. Ikaw lang ang may
hawak sa mundo mo, sa mundo mong ayaw na ayaw mong isinasabay sa mundo nila, sa
mundo ng marami, sa tunay na mundo. Galit ka na rin naman kasi, matagal na, sa
mga tunay, totoo, taos, tira-tira. Tira-tira ka na lamang sa mga pekeng
nilalang na gustung-gusto na rin isuka ng mundo. Pero pakialam nga ba ng mundo
sa 'yo. Ikaw lang din naman ang may hawak sa sarili mong yosi, sa sarili mong
kapeng ikaw mismo ang nagtimpla kasi para sa 'yo lang naman talaga iyon. Mahal
na mahal mo ang kape, yosi, tara.
Sinubukan
ko nang sipsipin yung unang higop ng caffeine. Mainit! Putang ina. Galit na
galit ka rin sa init, minsan. Minsan din, okay lang sa 'yong naglalakad nang
malayo para lang matuwa yung mga bagang araw-araw mong pinagtitripan. Tiningnan
ko na yung cellphone ko kung may nagtext, kung nagtext ka. Alam ko na rin
siguro kung bakit ko tiningnan yung phone ko kahit na alam ko sa sarili kong
katangahan na hindi naman siya tumunog. Wala na rin akong pakialam kung sira na
naman yung bait ko at kung bakit madalas kong nakakalimutang hindi naman pala
na gumagana yung maraming bahagi ng katawan ko. Ikalawang higop, medyo mainit
na lang. Minabuti kong isipin kung may magigising sa mundo kapag nagpatugtog
ako ng sarili kong musika. AY. Mali. Hindi ko naman sarili yon. Dinownload ko
lang, tapos nasa cellphone ko. AY. Hindi rin naman ako yung gumastos para sa
cellphone ko. Humigop nang muli sa yosi, AY. Hindi rin naman ako yung
nagpapatakbo ng pitaka ko. Ako na lang palagi yung tagagastos, tagasayang,
tagasira. Sira ulo.
Ikatlong
higop ng kape. Okay na. Okay naman talaga ako. Okay naman na ako. Hindi naman
ako mahilig magmadali kahit na ayaw kong naghihintay. Ayaw ko minsang
naghihintay pero okay lang din naman sa aking maghintay basta sumunod lang
lahat ng nilalang sa lahat ng sinasabi nila. Gusto ko lang namang sumusunod ako
sa lahat ng sinasabi nila. Sira ulo. Ikaapat. Yosi. Sindi. Sarado. Liyab. Usok.
Great. Gusto ko na talagang buksan yung Coldplaylist para lang makigaya sa trip
ng ibang nilalang. Nakikiuso. Hindi pauso. Pausok. Sira ulo. Ikalima. Ikaanim.
Babayu. Gusto ko nang maligo. Actually, kailangan ko na yatang maligo. Miss ko
na rin yung dampi ng kadalisayan minsan sa katawan ko kahit na panlabas lang.
Nakakatakot na minsan lumabas ng mansyon tapos mukha kang hindi pinaliliguan ng
nanay mo. Kahit na alam mong wala talaga akong pakialam sa kanilang lahat.
Minsan, may pakialam naman ako, kapag siguro malapit na akong mangamoy. Kahit
na hindi ko naman talaga alam kung nangangamoy na ako o kung ano nga ba talaga
yung amoy ko. Ang alam ko, wala akong amoy. Sira ulo.
Niligpit
ko na yung pinaggamitan kong isang tasa. Pati yung ash tray, nilinis ko na rin,
yata. Umakyat na ako sa kuwarto namin at kinuha ko na yung aking
t-t-t-toiletries. Pumili ng shirt na maluwag. Brief. Tuwalya. Bimpo. Mami.
Bumaba na ako para makapasok sa banyo. Binuksan ang ilaw. Nilapag ang mga dapat
ilapag. Naghubad. Nagtupi. Naligo. Nagsipilyo. Nagbihis. Umakyat. Nagligpit. Ng
gamit. Ng sarili. Ng buong mundo. Sira ulo. Matapos makipagtagisan sa mga
pabango at iba pang walang kuwentang bagay na madalas bigyang-kahalagahan,
bumaba na ako para ilayo ang aking sariling buhok sa tanyag na si Tarzan. Ugh.
Fuck. Minsan, gusto ko na talagang magpagupit pero ayoko pa talaga. Hindi ko pa
rin nakikita kung anong meron sa buhok ko kapag hindi siya napagtripan ng
maraming barbero sa perya. Okay? Uh. Okay? Okay na ba 'to? Tss. Okay na yan.
Sira ulo puwede na yan!
Buhat
ang aking napakabigat na bag, lumabas na ako. Handa para maglakad tungo sa iba
pang mga nilalang na galit na galit din.
02 March 2015
Bedside
Lasing na lasing na naman tayo noon. Yes, na naman. Sa katunayan, wala na rin tayo minsang pakialam unless may sumusuka na ng dugo. Pero ibang kuwento pa rin yon. Wala na rin naman na ako sa mood magkuwento, madalas. Madalas, minsan, marami kasi akong naaalala. Kaso, mas madalas, kaunti na lang yung mga pinipili kong alaala para hindi na ako masyadong nasasaktan. Kahit na yung mga pasakit na iyon e ako lang din naman ang bumuo, nag-imbento, at nagpasadyang ipanggitgit sa oh, so "helpless" kong kalagayan.
Mahilig akong magpaawa. Madali rin naman kasi akong kaawaan. Tingnan mo 'tong sarili ko. Kaya ganito ako e. Ni hindi ko kinakayang buhatin kung anuman ang trip na ipasan sa akin ng mundo, ng Mundo. Sila na lang ang bahala diyan. Wala na rin akong pakialam kung lumipad na naman yung kailangang ipunto ng bawat binibitawan kong mga pangungusap dito. Hindi naman kita personal na niyaya sa sarili kong kuweba. Ikaw ang unang nanghimasok. Ikaw ang unang nagsindi ng yosi, at hindi pa sa akin ang lighter.
Nakatatlong yosi na yata ako no'n at hindi pa rin umiikot sa atin, sa akin ang shot. Doon ko na rin masasabing umiikot na ang mundo nating lahat kasi wala na tayong pakialam kung may darating pa bang pag-asa sa mundo... sa Mundo. Wala na tayong pakialam sa "mahahalagang" bagay sa mundo, sa Mundo kasi nga umiikot na lang siya para sa atin. Ni hindi naman din tayo pinilit ng kalawakan para mag-aral nang mabuti o piliin ang pinakamainam na brand ng yosi para sa ating mga baga. Tayo na nga rin minsan ang pumipigil kapag sumusuka na tayo ng dugo pero nasa ibang kuwento na lang yon. Ang mahalaga, ramdam na ramdam natin yung pagkapilosopo nating lahat at gustung-gusto nating makipagsabayan kay Plato kahit na alam na nating dalawang isa lamang siyang malaking pauso.
Madali lang namang magpauso. Kailangan mo lang, matinding sakit sa lalamunan, sa baga, sa sinus, maging sa puso. Kailangan na kailangan mo yung panghuli para makapagbulalas ka nang maayos sa alapaap kung makapasok ka man. Wala namang nagdala ng happiness noon pero todo yakap ka pa rin sa akin. Hindi ko naman maalala kung namilit ako pero lahat na lang yata ng nasa harap ko, hinihila ako papunta sa kanila. Hindi naman ako nagpapahila. Madali nga lang magpauso. Sinubukan ko nang magsinding muli--
Hindi ka na pumayag. Marami nang nanonood at hindi ko na piniling alalahanin kung bakit sinasakal mo na lang ako bigla. Sinubukan kong magpumiglas pero ano nga bang gagawin ko sa 'yo pagkatapos? Susuntukin ka? Iuumpog sa gate? Babasagan ng baso sa ulo? Dehins maaari... Alam mo naman na siguro iyon, ngayon. Ngayun-ngayon lang din naman.
Tumingin ako sa gate. Bukas naman siya. Sinubukan kong lumabas para lang makapagbisyo na talaga. Ayaw niyo na talaga. Ayaw mo na talaga. Wala naman kasi yung isa. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kasi wala na naman akong maalala. Siguro kasi, pinili ko rin naman magkaroon ng mga wala na ganito kaya lang medyo hassle na kapag gusto ko na silang hukayin muli. Masakit din paminsan-minsan kapag sagad na sa pamumuwersa yung utak mo at lalo nang natatapalan yung puso mong sawi, ayon sa iyong standards.
May habulan.
May tampuhan.
May kakapalan ng mukha.
Humalik ka na sa huling pagkakataon sa puso kong akala ko lang nama'y binalewala na nang paulit-ulit ng mundo, ng Mundo. Pero hindi nga pala ikaw yung mundo, ang Mundo. Isa ka sa mga katulad kong nanonood na lang sa malayo pero handang makipag-away kapag nakalagok nang muli ng isang tasang nikotina. Hindi tayo ang Mundo at wala tayong pakialam sa mundo. Ikaw na rin mismo ang nagpapaalala sa akin nang makailang ulit na magpahanggang sa ngayon na akala lang talaga yung pagbalewala ng mundo sa akin. Paumanhin, paulit-ulit.
Tara, yosi.
17 January 2015
Tama 'Yan, Tama Na
Humigop nang muli
Tinanggal ang kasalanan
Kumindat sa ulap
Sabay buga sa kawalan
Kung pilit man ding
Makipag-away ng kambal
Pilit lang ding
Aakyat ng hagdan
Kung saan pa pataas
Mula pa rin sa kasalanang
Hawak ko pa ring
Handa, para sa panibagong higop
Tinanggal ang kasalanan
Kumindat sa ulap
Sabay buga sa kawalan
Kung pilit man ding
Makipag-away ng kambal
Pilit lang ding
Aakyat ng hagdan
Kung saan pa pataas
Mula pa rin sa kasalanang
Hawak ko pa ring
Handa, para sa panibagong higop
14 December 2014
Bag Merc
Masikip, parang brip
Na may bagong, hangong bacon
'Di ko alam yung trip
Ng nanay kong bumili na naman
Ng shampoo, sabon, colgate
I hate it kung wala na akong malasahan
Sa luto ng nanay kong mahilig tumambay sa lababo
Nakikitambay rin naman ako
Na may bagong, hangong bacon
'Di ko alam yung trip
Ng nanay kong bumili na naman
Ng shampoo, sabon, colgate
I hate it kung wala na akong malasahan
Sa luto ng nanay kong mahilig tumambay sa lababo
Nakikitambay rin naman ako
30 November 2014
Ayaw Ko Na, Minsan
Sinubukan kong magsulat
dati, pero naubusan agad ng tinta. Tinamad na rin kasi akong gumamit ng lapis.
Medyo malabo na kasing basahin, para sa akin. Tsaka yung pambatang mentality ko
noon, pangmatanda na yung ballpen. Edi sobrang astig para sa akin, dati, kapag
gumagamit ka ng ballpen. Para bang nakadikit na sa sarili mo kung anumang
gamitin mo. Ayun nga, kunwari, dati, nung bata ako, gusto ko yung bag ko, yung
backpack na, iyon bang nakastrap na sa mga balikat mo. Parang ang bata ng tingin sa’yo kasi
kapag yung tipong hinihila pa yung
bag mo. Yuck, hinihila pa. Sobrang kadiri. Parang ang sobrang grabeng kadiri mo
kapag bata ka pa, parang hindi ka na tumanda, sobrang atrasado. Hindi mo alam
kung tatanda ka pa ba. Parang gustong mong iwanan lahat ng mga bagay na mayroon ka noon, para lang
tumanda, para lang makisabay sa mundo.
Pero itong mundong ‘to, masalimuot daw. Daw.
Daw, kasi, tingin ko pa rin sa sarili ko bilang mag-aaral pa lang, e wala pa rin talagang alam. Ni hindi pa ako nakararanas
ng totoong trabaho. Sinabi kong totoo? Hindi ko rin maisip kung bakit sinabi
kong totoo. Para ba ‘tong pang-aasar
sa mga taong nagsasabing totoo sila. Ibig sabihin, mayroong hindi totoo?
Hindi na talaga totoong gusto kong tumanda.
Parang noong bata pa lamang ako, gusto ko na talaga tumanda, yung tipong mahirapan
naman ako. Iba rin kasi siguro yung mentality ng batang first honors na lang
parati, maraming inaasahan mula sa iyo, pero pakiramdam mo talaga sa sarili mo,
kaya mo na lahat. Yung karanasang makipagsagutan sa mga guro mo para lang
maipawalang-bisa yung mga sinasabi nila, nagawa ko na. Yung nakashorts pa lang
yung suot mo tapos kaya mo nang mambara ng mga kagaguhang ipinapakita ng mga
guro mo sa blackboard, nagawa ko na rin. Nakapambastos na rin ako ng guro, yung
makapagpahiya kumbaga, kahit shorts nga lang yung suot ko. Kaya siguro, yung
tingin ko noon sa mga guro ko, kayang-kaya ko silang lahat. Hindi lang alam ni
Past Mart na marami pa talaga siyang kakaining bigas.
Ayoko nang tumanda ngayon. Ayoko na ring
tumaba dahil sa kanin. Noon, nung klase ko sa PI 100 (yung klase tungkol sa
paglilingkod sa bayan kahit nakariwasa ka sa ideolohiyang makakanluranin, tapos
kunwari nakapag-aral ka at nakapanggamot ng mata ng ina mo. Tapos, susubok kang
gumawa ng 2-part sequel ng kagaguhan ng mga prayle sa Pilipinas gamit lamang
ang pansit na kinakain bilang hepunan tapos pagpapasabog ng walang kuwentang
gaserang binakla lang ng tropa mo.), sabi sa amin ng prof ko, okay lang namang
kumain ng kanin kasi nga, kung staple food lang din ng mga Pilipino ang kanin, edi
okay lang ding kumain nang kumain ng kanin dahil sa alam na ng katawang ng mga
Pilipino ang ang pagmetabolisa sa walang hiyang nagpapataba sa atin. Sa
madaling sabi, sanay yung mga ninuno natin sa paglamutak ng kanin so ang
pagtaba ng mga Pilipino sa wastong dami
ng kanin e hindi talaga totoo. Saan na nga ba natutunan ng mga hindot na ‘to na
nakatataba ang kanin?
Saan pa ba? Edi sa putang inang internet na
‘yan. Yung lente ng Kanluran bilang pagpopost sa internet at kailangang sundin
ay nararapat lamang kuwestiyunin ng prof kong mataba sa PI 100 dahil,
biologically at historically daw,
hindi naman tayo tataba. Kung hindi lang din namang staple-food-rice ang kakain
ng isinaing ni mama, edi tataba sila! Bakit ba hapit na hapit tayong makisabay
sa ibang tao? Makikibagay sa mga taong hindi naman talaga nararapat na
makabagayan. Edi papasok na rin yung usapin tungkol sa kultura na nagsasabing
iba-iba naman talaga yung mga tao. Maaaring sabihing kultura ng isang lahi,
kultura ng isang rehiyon, kultura ng isang komunidad, kultura ng isang angkan,
at kung gagong genius ka rin lang edi why not kultura ng isang tao. Nararapat
lamang ba na ang kulutura ay naipasa na lamang? Papaano yug taong unang gumawa
ng isang bagay tapos ipinasa niya nang ipinasa bilang isang kultura, wala na
siyang kultura? Porket ba walang gumaya sa iyo, hindi na iyon kultura? So kapag
may gumaya sa iyo, tapos dumami kayo, edi may kultura na kayo? Hindi ba
pupuwedeng mag-imbento ng sariling kultura, na kahit na umaasa kang may
makikinig at gagaya sa iyo (kahit wala) e nagsimula ka pa rin ng bago? Ito na
ba yung tinatawag nilang weird (na putang ina talagang salita ‘yan), na wala
kang kapareho so putang ina ka?
Gusto ko talagang magsalita. Wala akong lakas
kaya pinili ko na lamang magsulat. Wala naman akong pakialam kung may magbabasa
nito kasi malayo naman ako pero nagkakaroon na
lang ako bigla ng paki kapag nalaman kong may nagsimula nang magbasa sa
mga kabarberuhan ko. Hindi ko rin maitangging ipokrito ako paminsan-minsan,
madalas. Masaya ring paglaruan ang wika dahil pinopokpok ko na lang din
araw-araw ang mga salitang ginagamit ko. Pero ni hindi ko piniling huwag
pansinin ang kritisismong natatanggap ko sa tuwing may nagbabasang matalino na
lang bigla sa mga ginagawa ko. Para bang palusot na lang na bobo si Mart para lang wala nang
pumansing makipagtagisang-talino sa akin. Siguro kasi, tinatamad na lang ako
biglang magpaliwanag kung sakali mang mayroon silang mga hungkag na rebuttal sa
lahat ng sinabi ko.
Ayoko nang tumanda ulit. Takot ako sa mundo.
Pupuwede bang tingnan na lang nila si
Mart na bata para umokey na lang sila at isiping tanga na lang ako na wala
naman talagang pakialam sa mga sinasabi ko? Pero imposible na siguro. Matagal
na kasi akong may hawak na ballpen at hindi na rin ako humihila ng bag.
23 November 2014
Kulambo
Sinasayawan ng usok ang aking mga daliri
Hindi ko alam kung bakit gusto kong mandiri
Minsan nang ika'y naging aking kasintahan
O pupuwede bang tayo'y tuluyang magtanan
collab with ----
Hindi ko alam kung bakit gusto kong mandiri
Minsan nang ika'y naging aking kasintahan
O pupuwede bang tayo'y tuluyang magtanan
collab with ----
Toma Na, Please
Bad trip talaga 'tong luhang 'to
Ako'y namumutla, animo'y bedsheet sa Sogo
Ano na namang kutya ang naamoy ng gago
Kalimutan na lahatnang 'to at uminom na lang tayo
collab with ----
Ako'y namumutla, animo'y bedsheet sa Sogo
Ano na namang kutya ang naamoy ng gago
Kalimutan na lahatnang 'to at uminom na lang tayo
collab with ----
Alas Singko
Binasag ng sinag ng araw ang salamin
Ayaw pa ng mga matang galing idlip
Maiintindihan ba nila'y wala ka 'pag minulat?
O kakausap na lang ng papel, pasulat
collab with ----
Ayaw pa ng mga matang galing idlip
Maiintindihan ba nila'y wala ka 'pag minulat?
O kakausap na lang ng papel, pasulat
collab with ----
14 November 2014
Para
Hindi naman ako nakalilimot. Pero, mabilis, minsan. Nakakatamad din palang minsang magsulat. Minsan, akala mo talaga, yun na talaga yung passion mo. Tapos bigla mong marerealize na wala kang talento talaga doon. Edi wag na lang. Pero madalas, tinatamad ka lang talagang magpractice. Halos lahat naman talaga siguro ng magagaling, araw-araw na silang nagpapraktis. Kaya siguro may mga taong masyadong pinabababa yung mga sarili. Mga gagong ayaw tanggaping tamad lang talaga sila, hindi genius, at kailangang magbigay ng napakamasalimuot na pasensya. Madaling mainggit, madaling manisi, wala namang ibubuga.
Buga nang buga ng dugo yung ulong nakita ko. Hindi ko talaga alam kung ulo ngang tunay iyon pero para kasing may mata, tsaka buhok, na parang nakatitig sa akin. Para ring sumisigaw siya, pero wala naman akong naririnig. Masakit sa tiyan, parang nasusuka na ako, pero hindi pa rin ako makaalis kung nasaan ako. Pilit ko mang igalaw yung sarili ko, hindi ko na mabuhat-buhat yung katawan ko. Sinubukan kong sumilip sa ibang bahagi ng silid, putang ina - hindi ko rin maigalaw yung mga mata ko. Paano ba 'to? Nagpapanic na naman ako. Paano na? Shit! SHITSHITSHITSHITSHIT. Mahirap. Nahihirapan ako. Nahihirapan na talaga ako. Hindi ko naman talaga alam kung bakit takot na takot ako o ayaw ko lang din mapasigaw habang pinupugutan. May nakapulupot ba sa akin? Nakatali? Nakapatong? Bakit kung anong isipin ko, iyon ang kusang nangyayari? Teka? Teka-teka. Nananaginip na naman ba ako?
Sinubukan ko nang gumising. Kaya ba hindi ko maigalaw yung buong katawan ko? Nagkaroon na akong bigla ng kaunting kamalayan. Naramdaman ko nang malambot ang hinihigaan ko. Pinagpapawisan akong nagpaikut-ikot ng iniisip, hanggang sa dumilim bigla. Madilim. Ah fuck, siyempre nakapikit ako. Dumilat na ako. Ang init. Balot na balot nga pala ako ng kumot. Gusto kong uminom ng tubig, pero ang layo ng ref. Malapit lang, actually, nasa harap ko lang, pero ang layo talaga. Natatakot akong tumayo. Mabuti na lang may mga nakabukas na ilaw. At least alam ko kung mayroon, kahit na ayaw kong makakita, ever. Napakatanga minsan ng utak ko e. Parang... gusto kong nakabukas yung ilaw, para alam ko kung mayroon, pero ayaw ko ngang makakita. 'Di ba? Inulit ko na nga lang yung sinabi ko e. Bibigyan ko na lang ulit ng isa pang example. Parang, kunwari, nakaharap ka sa salamin. Tapos makakaisip ka ng nakakatakot na napanood mo na may kinalaman sa salamin. O 'di ba parang, hindi ka na titingin sa salamin pero sisilip ka pa rin kasi tinitingnan mo kung totoo nga ba talaga o kung ano talagang hitsura, pero ayaw mo ngang makakita? Tanga mo rin e no?
Bumangon na ako, ilang buwan ang nakalipas. Mayroong ibang tatlong taong tulog, isa ka na roon. Bumangon na talaga ako, kahit hindi ko kaya, kahit na pagod na pagod na yung puso ko kakaisip. Pumasok na ako sa kuwarto niyo at tinapik ka. Gusto sana kitang gisingin pero nagising din yung isa. Bumangon din. Anak ng puta. Buti mabilis akong mag-isip ng palusot. Hiningi ko si Jumbo. Ang tagal mo akong narinig. Ang tagal mo ring nakagets. Kung sa bagay, bagong gising ka lang. Ano bang pagkakaintindi ng mga bagong gising sa mundo? Minsan, tinatadyakan sila. Minsan, parang wala lang. Minsan, parang panaginip pa rin. Panaginip na lang yung inasam ko, Pero okay lang. Tabi naman kami ni Jumbo e. Kumot.
16 October 2014
Cannon Ass
I was Dave, that night
And I was, talking to Dave, too
Yo, Dave, have you tried one of these strip
Clubs
Cus in one right noe
*now
Seems anti-climactic
Or antataba lang nila
Haha. Ugh
And of course, drunk text
And talking to myself
Again
But it's okay
I still can
Notice my punc
tuations
And I can't keep on noticing
Yung kaplastikan ng mga babaeng
Itenetable ng mga kasama ko
Meh
But they're good with impromptu convo
I can say
But meh
Parang formulaic
Or not parang
Uh
But there are some
Who still have awkward painted on their faces
More anti-climax for me
Yung iba, naluluha sa grope on their boobs
Just checked on some
Sarap magpaka-Marxist dito
Femi-marxist kaunti
Some hesitations observed
Both from client and
Stripper
Kaleidoscopic lights
Strippers not liking it is too obvious
Meh
Too conscious on their fays
*fata
*fats
But that was just me, Dave, and hypothetical Barney
And I was, talking to Dave, too
Yo, Dave, have you tried one of these strip
Clubs
Cus in one right noe
*now
Seems anti-climactic
Or antataba lang nila
Haha. Ugh
And of course, drunk text
And talking to myself
Again
But it's okay
I still can
Notice my punc
tuations
And I can't keep on noticing
Yung kaplastikan ng mga babaeng
Itenetable ng mga kasama ko
Meh
But they're good with impromptu convo
I can say
But meh
Parang formulaic
Or not parang
Uh
But there are some
Who still have awkward painted on their faces
More anti-climax for me
Yung iba, naluluha sa grope on their boobs
Just checked on some
Sarap magpaka-Marxist dito
Femi-marxist kaunti
Some hesitations observed
Both from client and
Stripper
Kaleidoscopic lights
Strippers not liking it is too obvious
Meh
Too conscious on their fays
*fata
*fats
But that was just me, Dave, and hypothetical Barney
02 October 2014
Saka Ka Na Pakamatay
Oo nga. Ito na nga. Hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi talaga. Pramis. Peksman. Oh, man. Bakit ko ba ginawa iyon? Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Bakit ang hilig ko sa gano'n? Bakit ang hilig ko mangganon? Parati na lang bang mabilis kasing nangyari ang lahat? O mabagal lang talaga yung mundo ko no'n? Parati na lang bang kung natural e pagbibigyan na lang? Ano nga ba ang natural? Totoo ba talaga 'yon? Totoo ba talaga yung normal? May normal ba talaga? Nakakabit ba 'yon sa kultural, sa sosyal?
Akala ko dati, sosyal ka. Sobrang dali naman kasing bumuo ng first impression kahit hindi mo pa nakakausap yung tao. Parang sobrang dali na lang parating magkamali. Tapos minsan, masarap pa, saksakan ng sarap sa pakiramdam, masaya pa pati.
So kung gano'n, bakit ko pa rin kinukuwestiyon ang ginawa ko, yung ilang sinabi ko sa 'yo, at mangilan-ngilan pang gusto kong sabihin, ikuwento, at mapansin sa 'yo. Hindi naman ako madalas magbiro, pero ang hilig mo pa ring tumawa. Galit na galit na sa 'yo si Universe pero nililigawan mo pa rin siya. Hihiga ka na lamang muli't makikipagsapalaran kasama ang mumunti mong pulang kasalanan.
Bukas. Dukot. Sara. Hanap. Tang ina. Lighter. Wait -- sira nga pala yung lighter mo 'no? -- literal at hindi. Poetry pa. Akala mo naman, hindi ako nakauunawa. Para kasing, ano ba, ang hirap tuloy ipaliwanag. Pero okay pa rin naman makinig sa 'yo. Uupo ka na lang bigla. Titingin. Ngingiti. Magkukuwento. Gusto ko rin minsan yung gano'n, kasi... kasi nga, wala masyadong nakikinig sa akin. Wala akong masyadong kausap. Kung meron man, boring pa rin ako at wirdo. Wirdong-wirdo ako. Tapos, bobo pang madalas. Tsamba na lang kung mapatawang muli kita.
At! Nakatsamba ka rin sa wakas sa lighter mong tang ina. Higop. Buga. Usok. Nikotina. Isip. ... Ang dami masyadong silences. Enjoy rin namang nakaupo nang nag-iisip. Pero okay ring mag-isip nang walang iniisip. Okay rin yung wala talagang iniisip. Nakatulala lang sa dalawang mata muli ni Universe. Mag-iisip, tapos, tatahimik. Tahimik. Ano pa nga bang masasabi ko sa 'yo?
17 September 2014
Part Two
Pero hindi ito sequel.
Cliché pero naniniwala rin naman akong may iba't ibang bahagi ng kuwento, na mayroong iba't ibang bersyon ng naratibo, base sa pangangailangan at wastong pang-unawa. Sinabi ko pang cliché kasi feeling ko, kapag lumilikha e nararapat lamang na bago. Maaaring sawa na ang maraming tao sa paulit-ulit na mga paksa pero puwede namang wala talaga silang alam.
Mahirap din naman, totoo, na alamin lahat ng bagay. Pero madali naman sigurong magtanong sa iba, magtanong sa sarili, o kaya'y magmasid nang hindi padalus-dalos ang katangahan.
Nakasakay ka na ba ng jeep? O ng kahit na anong pampasaherong sasakyan? Siguro, naranasan mo na ring mausukan sa kalye, magyosi sa tabi, at bumili ng inilalakong mani pati na rin ang bumili ng inilalakong mani. Nabad trip ka na rin minsan sa lakas ng ulan, ng hangin, sa maninilip, sa mandurukot, sa manununggol, sa manggagantso. Minsan mo na ring pinagtripang isipin kung paano kayang sumilip, dumukot, manunggol, o manggantso. At minsan mo na ring pinagtripan ang sariling tadhana at suwerte sa pagsakay mo nang late.
Pero siyempre, hindi ka bad trip sa sarili mo. Puwede ba namang mangyari yun?! E sobrang fabulous mo kaya! Marami ka masyadong sinisi. Minsan, hindi na makatao. Pati alarm clock mo, may bukol na. Yung mga nagyaya sa 'yong uminom kagabi, mas responsable pa sa 'yo. Yung nireview mo kagabi, dalawang linggo ka pang niligawan bago mo sagutin. Pero siyempre -
- wala pa ring sisihan ng sarili. Ang fabulous mo kaya! Halina't pagtulungan nating barahin si Manong Drayber na tumabi sa sakayan para may pandagdag sana na kitang pangkain, pang-ospital, panggatas ni Baby, at pangmatrikula ng classmate mo.
Bitter ka lang talaga sa mga graduating student. At lalo mo pa itong ikinafabulous.
30 July 2014
Okay Lang Namang Manood, Minsan
Nawiwirduhan, or naiilang yung isa kong kaibigan kapag pinapanood siyang maglaro ng kanyang magulang. Inisip ko naman yung sarili kong karanasan ukol sa isinalaysay na kairitahan, at napagtanto kong okay lang naman sa akin kung sa akin nangyayari iyon.
Sabi ko sa kanya e okay lang naman sa 'king nanonood yung magulang ko sa akin habang naglalaro. Unang-una, at least napapanood na nila ako sa kahit isang bagay lang na mahusay ako, kahit na hindi naman nila naiintindihan yung mga pinaggagagawa ko sa screen na pinapanood nila. Sumunod, ang sarap kaya ng feeling na nasa itaas naman yung lupa at natatapakan-talunan na ang mga ulap. Yung tipong magtatanong sila, "Ano 'yan?", "Sino ka diyan?", o "O, bakit mo pinatay yun?" Yung tipong mga tanong na tinatanong ko sa kanila noong musmos pa lamang ako tulad ng sino, ano, bakit, e sila naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Nakakatuwa kung iisipin, hindi ba?
Ikaw, kailan ba nagtanong-inosente sa 'yo ang magulang mo?
Sabi ko sa kanya e okay lang naman sa 'king nanonood yung magulang ko sa akin habang naglalaro. Unang-una, at least napapanood na nila ako sa kahit isang bagay lang na mahusay ako, kahit na hindi naman nila naiintindihan yung mga pinaggagagawa ko sa screen na pinapanood nila. Sumunod, ang sarap kaya ng feeling na nasa itaas naman yung lupa at natatapakan-talunan na ang mga ulap. Yung tipong magtatanong sila, "Ano 'yan?", "Sino ka diyan?", o "O, bakit mo pinatay yun?" Yung tipong mga tanong na tinatanong ko sa kanila noong musmos pa lamang ako tulad ng sino, ano, bakit, e sila naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Nakakatuwa kung iisipin, hindi ba?
Ikaw, kailan ba nagtanong-inosente sa 'yo ang magulang mo?
14 June 2014
Paano Ba Gumamit ng Gitling sa Wika Natin?
Ganito gumamit ng gitling sa pagsusulat sa Filipino. Ang paggamit ng gitling sa Filipino ay madali lang naman.
At bad trip na ako e. Edi gagawan ko na naman (ulit) ng (sana naman) kumprehensibong mga instruction kung gaano nga naman ba kadali gumamit ng gitling kapag nagsusulat (nagtatype) sa wikang Filipino. As in binibigyan ko na lahat ng mga tanga ng pagkakataong makatipid ng oras (sa pagpindot/sulat ng gitling). Akong bahala sa inyo, kasi ako naman talaga ang nagpauso.
Libreng magcomment ang lahat kasi alam niyo namang hindi ako katiwa-tiwala sa mga sinasabi ko. Okay lang yun. Ang gusto ko lang e kapag sinagot ko kayo, asahan ninyong inaassume kong mas tanga ako sa inyo, kahit na kadalasa'y baligtad ang nangyayari. Pero baka rin naman kasi marami akong nakalimutan. Tulungan tayo rito.
Vowels & Consonants
Part 1. Pretty basic. Vowels at consonants. Vowels = mga patinig = A, E, I, O, at U. Consonants = mga katinig = B, C, D, F, G, H, J, K, L, M, N, Ñ, NG, P, Q, R, S, T, V, W, X, at Z. Alam na natin 'to, mga tsong. Hindi naman mahirap intindihin 'yan. Alam na natin kung bakit sila pinaghiwalay, sa paraan ng pagbigkas sa kanila. Yung tipong nakabuka lang bibig mo 'pag patinig, tapos kaunting variations lang ng dila. Kapag katinig e kasama na yung bibig, ngipin, ngala-ngala, kaluluwa, puta.
Pero sa bahaging ito, yung mga semi-vowel/consonant na W at Y, ituturing nating mga katinig. Bakit? Hindi ko rin alam e. Siguro kasi, kasama yung ngala-ngala at labi kahit na madali pa rin silang bigkasin at sundan ng tunog [ r ] o kung anumang katulad nito. Wala na rin naman tayong pakialam dun. Basta ang alamin mo, pagkakaiba ng vowel at ng katinig.
Malaki ang pakinabang sa pag-alala kung paano ba nating binibigkas ang maraming salita sa wika natin para sa talakayang ito.
Lapi (Affix)
Panlapi + Salitang Ugat. Alam mo na 'to! Halimbawa, pambayad sa naglaba - PANG (lapi) + BAYAD (salitang-ugat); NAG (lapi) + LABA (salitang-ugat).
Alam mo na rin 'to. Nung grade school, tinuro na rin yung tatlong basic, 'di ba? Unlapi - mag, nag, (minsan) um, basta yung nasa unahan? Mag + luto = magluto. Um + alis = umalis. Simple lang 'di ba? Gitlapi, nasa gitna. Um, in, 'yang mga 'yan. Alam mo na yun! Kain + um = kumain. Tanga + in = Tanga as in, tinanga. Tapos yung huling basic, hulapi, nasa dulo, dulong kanan, I mean. Han, an, at iba pa. Wala na akong maisip e! Pero alam mo na yun kapag narinig mo na! Agaw + an = The Legal Wife.
Ikinakabit ang mga lapi sa mga payak (main form) na salita at mga maylapi (affixed na rin). Alam mo na rin yun! 'Di ko na dapat ipaliwanag pero ewan ko na rin. Sintanga mo na rin kasi ako. Ganito yun 'di ba - Kain (payak) + um (lapi) = kumain (busog ka na maylapi). Simpleng-simple. Payak na payak.
Edi sa ngayon, narefresh na sa kukote mong itinuro nga pala yung ganitong mga bagay. Para saan nga ba ito? Para lang sa akin 'to. Para hindi na ako naaasar pati yung inner nazi sa akin. Para na rin nga (tulad ng sinabi ko kanina) makatipid ka sa oras ng pagtype/sulat ng -.
Syllable (Pantig)
Weh, Mart, 'kala ko ba consistency ang habol mo kaya mo itinuturo sa akin 'tong mga kalupitang 'to. Minsan kasi, guy/s, ginagamit ko yung mga salitang mas narinig/naencounter niyo na. Minsan lang naman. O e ano bang mas narinig mo sa kanilang dalawa? Hula ko lang naman 'yan 'syllable', tsaka 'wag mo nang pakialaman 'yan!
Alam mo na rin 'to 'di ba? Yung bilang ng hati sa pagbigkas ng isang salita, na kadalasa'y mayroong core na vowel (sound). Halimbawa, HINAYUPAK. Alam nating mayroong apat na vowel sound = [ i ], [ a ], [ u ], at [ a ] (ulit). Kung ilan ang nabilang nating tunog na vowel, yun din siguro sa malamang ang bilang ng syllable - hi (1) + na (2) + yu (3) + pak (4). Apat. Four. Isa pang halimbawa, RHYTHM. Mayroong [ i ], at [ u ]. (Pasintabi sa scholars talaga ng language at phonetics. Yung limang patinig lang na tinuro noong kinder ang gagamitin ko para mas mabilis at mas madali. Alam kong maraming vowels kasi aware ako sa international phonetic alphabet. Sana malaman niyo na hindi scholars yung mga tinitira tinuturuan ko sa ngayon. Salamat.) So bale, rhy (1) + thym (2). Dalawa ang syllable ng rhythm.
Gets mo na 'yan!
Game na, ready ka naman na e
Ngayon, gusto ko sanang magsimula sa pagpansin ng dalawang titik na pagtatabihin ninyong mga mokong kayo kapag gagamit na kayo ng lapi. Huwag mo ring isasantabi ang natutunan mo sa syllable ng mga salita. Okay game. Halimbawa, pagtatabihin mo ang salitang luto at panlaping mag-. Anong gagawin mo? Maglalagay ka ba ng gitling?
Consonant (1) then Consonant (2). Example: mag + luto. Ang huling titik ng mag ay G at ang unang titik ng luto ay L. Kapag ganito, hindi na natin mo kailangang gumamit ng gitling. Hindi na kailangan kasi pareho naman silang katinig at mas madaling bigkasin kapag ganoon. Tsaka wala na ring tunog na impit kapag consonant pero wala ka na rin namang pakialam sa detalyeng iyon! Magluto!
Consonant (1) then Vowel (2). Example: pag + asa. Ang huling titik ng pag ay G at ang unang titik ng asa ay A. Kapag ganito, kailangan mo nang lagyan ng gitling. Again, pansinin kung paano bumigkas ng salita kapag vowel na ang kakabitan. Hindi ba't parang may pause/impit sa lalamunan? Pag-asa. Pagluto. Parang may naiipit sa lalamunan, right? Pag-asa. Pagluto. Gano'n ang kadalasang nangyayari sa maraming vowel na nauuna sa mga salita. Aso. Ewan. Itlog. Oppa Gangnam Style. Pag-asa!
And then you ask, paano naman, Mart, kapag um na yung ginamit na
panlapi? E tanga ka pala e (joke lang! labyu!), kaya ko nga pinaalala at
inunderline na mayroon tayong konsepto ng syllable. Ang syllable
halimbawa ng salitang umalis ay tatlo (u + ma + lis). Pansining ang U ng
UM ay hiwalayng pantig at magkasama sa isang pantig ang MA (M ng Um, at
A ng Alis). Hindi na kailangan pang paghiwalayin gamit ang gitling kasi
nga, ganoon ang pagkakabigkas natin - U-MA-LIS, at hindi UM-A-LIS. Gets
mo, girl? Umalis!
Same with in + angkin. Hindi siya IN-ANG-KIN. Ang pagbigkas ay I-NANG-KIN so, hindi na kailangan ng gitling.
Then you may ask this too, paano kung infix (gitlapi aka panlapi sa gitna)? Hindi na kailangan. Madulas na ang pagbigkas. Kinain. Kumain. Again, think about the pronunciation. Hindi siya KUM + A + IN, nor KIN + A + IN. It is ku + ma + in. Note na hinati sa magkaibang pantig ang ginamit na gitlapi (um). So no need for gitling right there.
Vowel (1) then Consonant (2). Example: ma + lagkit. Ang huling titik ng ma ay A at ang unang titik ng lagkit ay L. Laging tatandaang kapag sa vowel nagtatapos ang kakabitan, HINDI NA TALAGA DAPAT AS IN HUWAG NA TALAGANG LAGYAN NG GITLING OMGWTFBBQ. Hindi na. Madulas ang mga susunod na bibigkasin sa lahat ng nagtatapos na vowel sound. Madaling sundan. Walang gaanong pause. Wala nang gitling. Malagkit!
Vowel (1) then Vowel (2). Example: na + inggit. Ang huling titik ng na ay A at ang unang titik ng inggit ay I, delas alas. Again, basahin ang nakacapslock sa paragraph bago 'tong talatang ito. Oo't mayroong impit na tunog pero hindi na kailangan dahil sa pareho namang vowel ang tunog na binibigkas. Nainggit!
Pag-uulit ng ilang bahagi ng unang pantig ng salitang-ugat. Example: nag + ti + tinda. Hindi na rin kailangan. Inulit mo lang naman yung ti ng tin mula sa tinda. Hindi malaki ang pause sa pagbigkas.
Foreign words na inangkin. Example: nag + facebook; paki + facebook. There was this idiot (ako 'to, I swear, that's why I'm cleaning this mess) na nagpasimulang gumamit ng gitling kapag magkakabit ng foreign word. Hindi niya rin alam kung bakit. Walang nagturo sa kanya nito, siya lang ang nag-isip ng paraan kung paano niyang maihihiwalay ang mga salita kapag binibigkas sa isipan habang kanyang binabasa. Gusto niya lang talagang iemphasize (i-emphasize) na nag-iiba na ang pagbibigkas ng isang salita kapag inadapt na sa wikang Filipino ang salitang Ingles na 'emphasize'. Hindi siya tunog /iyemfasayz/ kundi /i-em-fa-size/ kapag tinype kong i-emphasize. Akala niya kasi, kapag iemphasize, /iyemfasayz/.
Inuulit na mga salita. Kapag ganito, isipin natin kung mayroon bang talagang salitang payak na nag-eexist kung hindi naman talaga inulit yung salita. Halimbawa, Tatanga-tanga. Gumamit ako ng gitling kasi may salitang 'tanga' naman talaga. Same concept applies with paruparo (?). Ewan ko, isip kayo.
Tambalang mga salita. Ningas-kugon. Kapitbahay. Hanapbuhay. Wala ring malinaw na konsepto ukol dito pero ang hula ko e kapag isang salita na talaga, wala nang gitling, pero kung parang figurative (?) at hindi ganoon kadalas gamitin e gagamitan ng gitling (?). Ewan ko, what are your thoughts about this?
Sa huli, wala na rin akong pakialam. Ayoko lang kasing kumakalat hanggang sa pinakamalalaking billboard sa Edsa ang paggamit ng gitling kahit hindi naman talaga kailangan. Naiinis ang dugo ko (legit). Pinaaalala ko lang na mayroong "tama" dati. Pero dahil modern/post-modern na ang uptake sa grammar/language, tinatanggap na ang lahat ng uri ng grammar na "tama" at wala nang "mali" na grammar. Muli, sinasabi ko lamang na may mga rule na isinasantabi ng mga kupal na taong hindi marunong at napapalitan na ng mga MALI NAMAN TALAGA ang mga TAMA, at nagiging "tama" na ang mga "mali" na ito. Tama na, please.
-------------------------------------------------------
TL;DR
1. Learn about vowels and consonants.
2. Learn about affixes.
3. Learn about syllables.
4. Pronunciation is important.
5. Ang gitling sa pagtatabi ng iba't ibang titik/letter:
6. Consonant + Consonant = magluto (NO)
7. Consonant + Vowel (remembering syllable knowledge) = umalis (NO)
7.1 Hindi siya um + a + lis (pronunciation) kundi u + ma + lis, kahit na um (lapi) + alis (salitang ugat).
7.2 Gitlapi (sample: kumain) NO (it is ku + ma + in, not kum + a + in)
8. Consonant + Vowel = pag-asa (YES)
9. Vowel + Consonant = malagkit (NO)
10. Vowel + Vowel = nainggit (NO)
11. Foreign words = OPEN FOR DEBATE
12. Inuulit na mga salita = kapag hindi ba inulit, salita pa rin ang natira? If YES, then YES.
12.1 Pag-uulit ng pantig (o bahagi lang) (NO) Hindi na kailangan dahil madulas pa rin ang pagbigkas = nagtitinda. Mali ang nagti-tinda, okay?
13. Tambalan = not sure, check what I've discussed above, under "Tambalan..."
14. Read the last paragraph. I'm too lazy to reconstruct.
12 June 2014
Isa sa mga Paboritong Salita
Iba dapat title nito e. Dapat e, "Ang Paboritong Salita ng Matatalinong Tao." E kaso, inisip ko rin palang hindi pala ako matalino. "...ng mga Kritiko." E kaso, self-proclaimed lang naman ako. Minsan din, yung kabanuan ko, sineself-proclaim ko na rin. Minsan din, gusto ko rin naman yung mga ginagawa ko. Pero kahit ni minsan, hindi ko sila ipinagmamayabang. Ang tanong mo e, bakit ko nga ba sila iniaakyat sa internet? Para makita ng maraming tao? Oo. Siyempre, oo. Para kung may makakita, may magsasabi kung mali o kung tama. Naghahanap siguro ako ng napakaraming opinyon ukol sa mga kabalastugang pinagsasasabi ko. Para ano naman? Para siguro makahanp ng kausap? Ng rejection? Ng approval? Hindi ko na naman alam. Ang alam ko lang, matagal ko talagang pinag-isipan yung title nito.
"...mga paborito kong salita." Okay rin naman. Mas maganda nga siguro iyon. E kaso, wala ka naman talagang pakialam sa akin. "...mga salitang dapat isipin at gamitin." Napakabaho naman ng mahahabang pamagat. Hindi ako makuntento. Para bang ang hirap kong makuntento sa mga bagay tapos napaglalaanan ko pa ng mahahabang panahon at pasensya yung pag-iisip para sa kanila, hanggang sa hindi pa rin ako makuntento sa kung ano na talaga yung huling napagdesisyunan ko. Parang ang dami kasing possibilities. Ang dami-daming maaaring mangyari. Ang dami ko masyadong iniisip. Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Paano kung isipin ng mga tao hindi talaga ako matalino? Paano kung sabihin nila/mo na hindi naman ganito magcritique? Paano kung wala naman talagang pakialam ang mga tao sa salita, bilang mga random na tunog na lamang sila na tinetake for granted ng mga tao? Paano kung 'e ano naman kung may paborito kang salita?' Paano na lang 'di ba? Paano na lang?
Mas madali kasing magsulat, para sa akin, kung nahihirapan ka kung sino ang sinusulatan mo. Or kahit sa maraming bagay na rin siguro, mas astig din ang pag-iisip ng kapakanan ng maraming bagay, pangyayari, panahon, lunan, at ng mararami pang salik na bumubuo sa buo o ganap/ginaganap na phenomena. Dapat, iniisip mo lahat ng bagay.
Mahirap, oo, hindi ko maitatanggi. Pero bakit kailangan kong mag-isip nang ganito? Para walang natatapakan? Para wala nang tanung-tanong pa pagkatapos? Tapos isasagot mo, "E bakit nga naghahanap ka ng opinyon? Paano kung yung opinyon e isang tanong?" May opinyon bang tanong? Maaari ka bang magtanong habang naiimpluwensiyahan ng iyong opinyon? Hindi ko rin masasabi. Paano na lang kung matalino yung kausap mo? Paano kung bobo pala? Paano kung mas marami siyang masasabi sa 'yo tungkol sa pagluto ng meatball ng spaghetti? Paano mo masasabing magaling siyang magbadminton? Paano mo ba malalamang may gusto siya sa iyo? Madaling magstereotype ng mga tao base sa nakikita natin sa kanila, pero kadalasan, corny mang pakinggan e wala naman talagang naglalast na first impression.
Mas madali kasing mag-isip kung inaalala mong hindi mo naman talaga kilala ang tao, ang mundong kinatatayuan mo, ang sitwasyong kinakaharap mo, ang problemang nantitrip sa 'yo. Maraming puwedeng mangyari, at marami ka pang hindi nakikita. Wala ka talaga kilala, at hindi mo naman talaga alam.
Minsan din, iniisip ko, paano kung paboritong parirala naman pala o bukambibig ang iniisip ko? Hindi ko naman puwede kasing sabihing 'paano' ang salitang tinutukoy ko kasi maaari rin siyang ipakahulugang 'how,' kahit na iniisip mong ang pagsasalin ng isang salita sa isa pang wika ay hindi pagpapakahulugan. Minsan din naman, sabay tayong walang pakialam. Pinansin ko yung ikalawang salita, 'kung'. Paano kung. Kung. Kangkung. Kungkang. Kung. Kapag. Parehong nag-iisip na mga salita, kahit na wala naman talaga silang kakayahang mag-isip. Paano kung oo? Maghahanap ka pa parati ng pruweba. Kung. Kapag. Ang sarap pag-isipan. Ang dami kasing maaaring mangyari kapag ginagamit mo sila at hindi yung paggamit ko sa pangungusap na ito. Maiging gamitin sila sa iba't ibang sitwasyon. Sa maraming bagay. Sa pag-aayos ng problema. Sa pagsusulat. Sa pagtingin ng maraming bagay sa paligid. Kung. Kapag.
Kapag ganito, ganyan ang mangyayari. Kung ganito kaya, ano ang mangyayari. Kapag ganito ba, ganun ang kalalabasan? Paano kapag ganito naman ang ginawa ko?
Hindi pagsasayang ng oras ang inilalaang panahon sa pag-iisip at maagang pagpaplano sa mga bagay. Hindi ito malaking kawalan ngunit responsable at matalinong adbentahe kapag nakasanayan. Sa kabila ng lahat ng aking mga sinabi, wala ka pa ring naiintindihan. Baka hindi lang din talaga salita ni pahayag ang gusto kong matutunan mo. Baka naman kasi paraan na pala ng pamumuhay ang iniiwan ko sa iyo.
Subscribe to:
Posts (Atom)