"Ikaw."
"Bakit naman hilatang-hilata ka diyan? Mayroon ka bang sakit?"
"Masyado nang matamlay ang aking katawan para magtatayo pa. Mabuti't nakarating kayo rito."
"Kinailangan ko bang makaabot dito? Namin?"
"Maaaring oo, maaari ring hindi. Wala namang totoong makapagsasabi, at hindi rin naman dapat pang masabi."
"Mag-isa ka lamang ba rito?"
"Hindi na sa ngayon."
"Baka umalis na rin kami maya-maya. Mayroon ka bang iba pang kailangan, o nais pa na sabihin?"
"Wala na. Alam mo na ang mga dapat mong malaman. Masaya akong nakatagpo kita, kahit na alam ko ring hindi naman gaano ang dating para sa iyo. Paumanhin."
"Ayos lang."