hindi mo pa rin mawari kung hanggang saan nga ba ang dulo ng itaas pero hindi yata maaabot ng iyong paningin ang kisame, kung mayroon man. itim lamang ng kawalan ang tumatapos sa iyong mga katanungan na may halong usok na pampalabo pagkatapos.
gayon din ang hantong nang alamin mo na ang hangganan sa lahat ng direksyon. walang mga sulok, walang mga kusang kanto, mayroong mga pader ngunit maikling natatapos lamang nang ilang mga dipa. ang mga sinusuotan mong daanan ay natatapos lang din agad. lumalabo sa usok ang bawat hanggan ng iyong paningin at mukhang hindi iyon matatapos, kahit kailan.
No comments:
Post a Comment