napansin mong parang mayroon kang nakakapang nakaukit sa bakal. tinitigan mo ito nang mabuti. ikinumpara mo ito sa wika na nakasulat sa isinilid na papel sa iyong bulsa. laking tuwa mo nang matuklasang nasa parehong wika ang kanilang mga ginagamit pero magkaiba pa rin ang mga titik.
umabot ang iyong sigla sa ilaw sa tuktok ng poste na tila mas lumiwanag pa bilang pagkilala siguro sa mga natsatsambahan mong pagkakatugma. kumutitap nang isang iglap ang ilaw at lubhang ikinagulat mo't lalong dumagdag pa sa tuwang nararamdaman, sabay sa kumakabog sa iyong dibdib. nagpasalamat ka na sa kaniya sa huling pagkakataon.
No comments:
Post a Comment